Moira, pinag-usapan ang pagbura sa asawa sa social media
‘Pag may usok may apoy, sabi nila.
Though dismissed na ang issue na diumano’y may pinagdaraanan si Moira at husband niyang si Jason Hernandez, may ilang nagsasabi naman na may slight na issue na diumano sa mag-asawa matapos burahin ni Moira ang mga photo nila sa kanyang IG account.
Dumating na sa Pilipinas si Moira from Singapore kung saan ay nag-stop over sila from a concert sa Amerika with social media star Mimiyuuuh.
Nag-trending nga si Moira dahil sa nasabing removal niya ng photos nila ng mister pero nabura ang pagdududa nang i-tagged niya ito sa kanyang order habang nasa Singapore na paborito raw ng asawa at nagkaroon na sila ng interaction.
- Latest