^

PSN Showbiz

Andrea, inaming nasaktan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Andrea, inaming nasaktan
Seth at Andrea
STAR/ File

Hindi napigilan ni Seth Fedelin na magbigay ng kanyang reaksyon tungkol sa pagiging magkasintahan na ngayon nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.

Kamakailan ay nakiusap ang aktor na tigilan na ang pamba-bash ng ilang netizens kay Andrea nang ibigay ng aktres ang kanyang matamis na ‘oo’ kay Ricci Rivero.

Matatandaang sinagot ng dalaga ang basketball player noong April 9 at nag-trending ang video nito sa social media. Pagkatapos magsalita ni Seth ay si Andrea naman ang nagbigay ng kanyang pahayag tungkol sa mga pangyayari.

Taong 2018 nang unang nagkatambal ang aktres at si Seth sa teleseryeng Kadenang Ginto. Mula noon ay pumatok ang tambalang SethDrea at kabi-kabila na ang nagawang proyekto ng dalawa. Naging magkasintahan sina Andrea at Seth sa loob ng mahigit dalawang taon at noong Oktubre lamang nagkahiwalay. “We broke up last year and it was a painful breakup but it was a mutual decision, ‘yung paghihiwalay namin. We both loved each other truly and deeply. We’ve learned so much from each other. But in the end we rea­lized na weren’t growing as individuals,” paglilinaw ng dalaga.

Ayon kay Andrea ay patuloy pa rin naman ang tambalan nila ni Seth kaya patuloy pa rin silang mapapanood ng kanilang mga tagahanga.

Matatandaang ang pamilya ni Francine Diaz ang nakasama ni Seth upang magdiwang ng bagong taon na talaga namang ikinagulat ng netizens. Aminado si Andrea na talagang nasaktan ang kanyang damdamin noon. “I admit I made an honest mistake and that was showing my emotions online sa public. So this is why you should always think before doing something. My mind was too clouded with sorrow that I forgot to think about what will happen next. Or how this could affect me and people around me. I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse. I know na I should have asked first. I should’ve consulted my managers before posting it, or sana nanahimik na lang talaga ako. Pero sana man lang guys once maisip n’yo na tao lang din ako and it was my first heartbreak so hindi ko pa alam kung paano ko siya iha-handle. But I couldn’t blame you guys kasi never naman kami nag-out sa relationship namin. Kaya kahit masakit na sinasabi ng mga tao na wala akong karapatan kasi never naman naging kami. Masakit kasi actually naging kami. Naging kami for two years and three months,” pagtatapat ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

SETH FEDELIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with