^

PSN Showbiz

Andrea, natuloy na kay John Lloyd

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Andrea, natuloy na kay John Lloyd
Andrea
STAR/ File

Natuloy na rin ang pagsasama sa trabaho ng mga ex nina Derek Ramsay at Ellen Adarna, sina Andrea Torres at John Lloyd Cruz.

Nabalita nu’ng una na sa pagbabalik ni Lloydie sa trabaho, isang sitcom ang gagawin niya na pagsasamahan nila ni Andrea.

Pero tanging si John Lloyd lamang ang natuloy sa sitcom niya sa Kapuso Network, ang Happy ToGetHer. Nabura ang pangalan ni Andrea sa cast.

Pero ang wish ng fans na magsama sina JLC at Andrea ay nagkaroon ng katuparan. Mapapanood si Andrea sa coming episode ng Happy ToGetHer.

Sa isang interview, nasabi ni Andrea na nadiskubre niyang isa ring kalog si John Lloyd. Eh creative consultant din ng sitcom ang aktor kaya sabi ni Andrea, “Na-amaze ako nang marinig ko ang thoughts and ideas niya sa eksena at kung paano niya ‘yun inaral.”

Panoorin kaya nina Derek at Ellen ang pagsasama ng ex nila na magkasama sa trabaho?

Cai at Kakai, ‘di pakakabog kina Jasmine at Heart

Beach ready na ang ilan nating artistang babae lalo na’t summer is really here!

Todo display ng kaseksihan niya si Jasmine Curtis-Smith habang nasa Pearl Farm Beach resort na pinost niya sa kanyang Instagram.

Hindi naman nagpakabog si Heart Evangelista upang i-flex ang sexy bod niya in two piece bikini sa kanyang IG.

Naku, kung sina Cai Cortez at Kakai Bautista, walang pakialam ibalandra ang kanilang katawan, what more ang gaya nina Jasmine at Heart?

Naku, kabugin mo nga sila sa suot mong bikini, Salve A.? Ha! Ha! Ha! Talbog!

Have a safe and blessed Holy Week to all our readers!

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with