^

PSN Showbiz

Imee, naging emosyonal sa tanong ni Juliana

Pilipino Star Ngayon
Imee, naging emosyonal sa tanong ni Juliana
Juliana at Imee
STA/ File

Alamin at makisaya sa isang never-before-seen side ni Senator Imee Marcos ngayong weekend sa dalawang brand-new episodes ng kanyang pinag-uusapang lifestyle and entertainment vlogs na streaming sa kanyang official YouTube channel na parami nang parami ang loyal subscribers na ngayon ay nasa daang libo na mula noong Enero 2022.

Sa Good Friday, Abril 15, tatalakayin ng certified Dakilang Ilokana ang tumataas na presyo ng kuryen­te at iba pang buwanang utility expenses habang ibinabahagi niya ang kanyang tested ener­gy saving tips – mula paggamit ng natural lighting hanggang sa ever reliable na electric fan, at pati na rin ang pagligo ng mayroong strict time limit kasama ang isang espesyal na bath companion.

Sa isa pang episode na naka-schedule na i-upload sa Black Saturday, Abril 16, nakipagtagisan ng talion si Imee sa It’s Showtime’s Ms. Q&A first season grand winner na si Juliana Parizcova-Segovia sa ilang nakakaloka at kakaibang mga tanong.

Ngunit ang kasiyahan ng kanilang Ms. Q&A ay nagkaroon ng ‘di inaasahang emotional turn matapos sagutin ni Imee ng seryoso ang dalawang personal na mga katanungan na ikinagulat ‘di lamang ni Juliana ngunit pati na rin ng buong production.

“Medyo nakurot ang puso ko,” sabi ni Imee. “Alam niyo naman ako, walang inuurungan. Kilala ako bilang matapang at palaban. Pero iba ang dating sa akin nung mga question. Tinamaan talaga ako kaya naman I answered the questions as sincerely as I could.”

Ano ang mga energy-saving secrets ni Imee at ano ang mga katanungan na kumurot sa kanyang puso? Alamin ngayong weekend at mag-subscribe sa  https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

vuukle comment

IMEE

JULIANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with