^

PSN Showbiz

Bela, may pakiusap sa bashers

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela, may pakiusap sa bashers
Bela Padilla.

Hindi na bago sa mga artista ang makaranas ng online bashing mula sa netizens. Karaniwang napupuna ng ilang gumagamit ng social media ay tungkol sa kaanyuan katulad ng pagtaba o pagpayat ng isang tao.

Hindi sumasang-ayon si Bela Padilla sa online bashing na kanya ring nararanasan paminsan-minsan. “Minsang merong issue na sobrang mabigat pero hindi tayo tinatamaan. Doon pa tayo sa maliit minsan nasasaktan o minsan napipikon. I think we all process these comments, pagpuna, very differently. At the end of the day, kami, trabaho lang din namin itong ginagawa namin. Kung nasa office po ba tayo, is it okay na naninita tayo o namumuna tayo ng mga tao? Di ba merong H.R. sa opisina ‘pag may ganitong situation. I guess ang difference for us actors is wala kaming gano’n. Wala kaming sumbungan na tutulong sa amin ‘pag may ganitong nangyayari,” makahulugang pahayag ni Bela.

Para sa aktres ay mas mabuti nang huwag na lamang magbigay ng mga komento ang isang tao lalo na’t makasasakit ito sa damdamin ng kapwa. “To begin with, kung hindi mo kayang sabihin ang isang bagay sa harap ng isang tao, huwag mo sabihin sa internet. Huwag mong i-comment sa Instagram page ng mga tao. Hindi kasi tama eh alo na may pinagdaanan na tayong global pandemic. Parang we’ve all gone through something so big. Saka 2022 na, hindi appropriate po na nagsasabi tayo ng mga ganitong bagay na nakakalungkot lang o nakakaepekto sa isang tao,” giit ng dalaga.

Sean, nasigawan at napagalitan ni Direk Joel

Mula nang magbida sa Anak ng Macho Dancer noong isang taon ay nagsunud-sunod na ang mga proyekto ng Sean de Guzman. Pagkatapos mapanood sa Mahjong Nights, Taya at Hugas ay muling nagbida si Sean sa Island of Desire na napapanood na ngayon sa Vivamax. Si Joel Lamangan ang gumawa ng bagong pelikula at ayon sa aktor ay nasanay na siya kung paano katrabaho ang beteranong direktor. “Nasigawan na ako at napagalitan na ni direk dahil may mga bagay na hindi ko pa alam. Pero hindi ka naman niya papagalitan or pagsasabihan ng walang dahilan. Kumbaga, do’n sa pagkakamali mong ‘yon, do’n ka dapat matututo. Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay dapat maging mahusay akong artist kung gusto kong tumagal sa industriya,” kwento ni Sean.

Isang malaking karangalan para sa sexy actor na makatrabaho ang isang premyadong direktor na katulad ni Joel. Kapag mayroong mga pagkakataon ay talagang humihingi raw ng  payo si Sean sa direktor upang mas mapagbuti pa ang trabaho. “Nagtatanong ako kay direk kasi kailangan ‘yung communication between actor and director. Kailangan ‘yung nagkakaintindihan kung ano ‘yung interpretation ni direk do’n sa eksena ay ‘yon ang gagawin. At siyempre may freedom naman kaming mga actors to do the scene. Kung ano ‘yung nararamdaman talaga nila do’n sa eksena. ‘Yon ‘yung binibigay sa amin ni direk,” pagbabahagi ng binata.

Para kay Sean ay malaki rin ang naitutulong sa kanya ng mga negatibong komento na kanyang mga naririnig mula sa mga katrabaho at mga nababasa sa social media. “’Yung mga bad comments na nababasa ko through social media, tini-take ko siya in a positive way. Kumbaga hinahayaan ko na mag-comment sila ng bad comments. Kasi nagagamit ko din ‘yon, nagiging bala ko, mas namo-motivate ako, mas ginagalingan ko pa kumbaga. Hindi ako masyado nagpapaapekto, hindi ako masyado nagpapadala sa mga masasamang sinasabi sa akin. Kung sinasabihan ako na, ‘Maghubad ka na lang! Maghubad na lang kayo!’ Mas ini-improve ko, kumbaga pinapatunayan ko na mas may acting,” paliwanag ng baguhang aktor. Reports from JCC

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with