^

PSN Showbiz

Ogie, araw-araw ang antigen test nung nasa Amerika

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ogie, araw-araw ang antigen test nung nasa Amerika
Ogie.

Naku, Ateng Salve, ‘kaloka lang ang ibang mga kakilala ko kapag ikinukuwento ko na nag-antigen test ako. May iba na nagtatanong kung masama raw ba ang pakiramdam ko at may duda ako na positive ako sa CO­VID-19 kaya nagpa-antigen ako.

Actually, gusto ko lang makasigurado na negative nga ako sa nasabing virus. Puwede kasing wala akong nara­ramdaman dahil asymptomatic lang pala ako pero positive pala sa COVID-19.

Anyway, ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid noong nasa Amerika para sa OA sa Love in the USA ay araw-araw nag-a-antigen test, huh!

Sabi ni Ogie, gusto niyang makasigurado na negative siya sa COVID-19, kaya madalas ay siya mismo ang nagte-text sa kanyang sarili.

Sabi nga, better safe than sorry.

Eh, today nga, papunta sila ng misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid, anak na si Nate at iba pa sa Balesin Island, kaya may antigen na naman sila.

Nice!

Concert tickets ni Nina, mabenta

Noong isang araw ay dinalaw namin ang Tindahang Pinoy sa San Jose, California.

Naikuwento nga sa amin ng friend naming si Alain Layos na isa sila sa mga sponsor sa May 21 Love Moves US Tour 2022 ng Diamond Soul Siren na si Nina.

Gaganapin ‘yon sa Guildhouse Downtown sa lugar na ‘yon.

In fairness, mabenta raw ang tickets para sa concert na ‘yon ni Nina.

Bongga!

Annabelle, pinagdudahan si Ruffa

Naaliw ako sa reaksyon ni Annabelle Rama sa pa-“tribute” sa kanilang dalawa ni Eddie Gutierrez ng anak nilang si Ruffa Gutierrez.

Akala ko ay maiiyak si Bisaya sa post ni Ruffa sa Instagram (@iloveruffag), pero ang sey niya nang makausap namin, “Nagtataka ako kung bakit biglang may ganoong post si Ruffa?!”

Hahaha. May tamang duda ang reaksyon ni Bisaya sa post ni Ruffa, huh!

‘Yun na!

 

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with