^

PSN Showbiz

Baron at Asawa, pisikalan din ang away! Model, sabog ang mukha sa pukpok ng baril

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Baron at Asawa, pisikalan din ang away! Model, sabog ang mukha sa pukpok ng baril
Baron at Jamie
STAR/ File

Bakit kaya parang pisikalan na ang away ngayon ng mga mag-dyowa?

Pagkatapos ng celebrated na isyung bugbugan nina Ana Jalandoni at Kit Thompson, may mga ilan ding nakikita ko sa Facebook na naumbag ng dyowa. May isang model na ipinakita ang sabug-sabog na mukha na parang napukpok ng baril ng dyowang political figure.

Hindi ko naman kilala ‘yung binanggit na pangalan.

Kumalat din ang video na naririnig ang boses ni Baron Geisler na parang nakaupo sa kama. Habang ang asawa niya ay nagtatalak na Cebuano ang sinasabi, at nang napalapit kay Baron, bigla niyang ibinato nito ang plastic na may lamang tubig na may yelo.

Napa-“oh my God” lang si Baron at sinabi niyang siya ba ang dapat na magpa-rehab.

Ilang beses ko ring tinext at tinawagan si Baron, pero hindi niya ito sinasagot.

Sa pagkakaalala ko, napapadalas ang away ng mag-asawa pagkatapos na-shoot ni Baron ang isang pelikula para sa Vivamax.

Tila merong pinagseselosan ang asawa ni Baron sa isa sa mga kasama niya sa pelikulang ito.

Abangan na lang natin kung magsasalita si Baron kaugnay sa isyu nilang mag-asawa.

Samantala, napapag-usapan pa rin lang ang isyung bugbugan, naka-relate rin daw dito ang movie director na si direk Neal ‘Buboy’ Tan.

Kuwento niya sa grand opening ng AQ Prime, na-experience raw niya dati sa dyowa niyang dating hunk actor. “Tinutukan ako ng baril. Kasi, under influence ng drug.

“Hindi naman ako dyinombag. Tutok lang. Out of jealousy rin,” simulang kuwento ni direk Neal Buboy Tan.

Matagal na raw iyon at pinagtatawanan na lang daw niya ang karanasang ‘yun na buong akala raw niya ay matetegi na siya.

“Kaibigan ko pa rin naman naman siya ngayon. Until now, nagkakausap pa rin kami… na-provoke ko lang yata siya nung time na ‘yun,” dagdag niyang kuwento.

Si direk Buboy nga pala ang direktor ng pelikulang prinodyus at pinagbidahan ni Ana Vicente na Manipula.

Dapat ay naka-schedule na ang showing nito sa March, pero naantala at hindi pa alam kung kailan na itutuloy dahil nga sa isyung hinaharap ni Ana.

“The last time na na nagkasama kami ni Ana was ‘yung preview namin ng Manipula dun sa Cubao. Last month lang ‘yun, bago nangyari’ yung incident.

“Pinalakpakan siya dun. Sabi nga niya mag-part two na tayo,” kuwento pa ni direk Buboy Tan.

Kinumusta naman daw niya ang aktres at sinagot naman daw siya.

Ate Vi, mas sensitive na ang emosyon

Sa November na pala isi-celebrate ni Cong. Vilma Santos-Recto ang

kanyang 60th anniversary sa showbiz.

Napag-usapan ito dahil marami ang natuwa nang makita sa kanyang vlog ang pagdalaw niya sa bagong renovate na Manila Metropolitan Theater.

Gusto ni Ate Vi na gawin ito sa MET kung sakaling magkaroon siya ng special para sa kanyang anibersaryo.

Bakit hindi, ‘di ba?

Kaya na-excite ang Vilma­nians, at ang iba nga ipinara­ting na sa GMA 7 na baka gusto nilang i-produce ito para kay Ate Vi.

Tiyak na magiging emotional na naman dito si Ate Vi dahil sa sobrang na-miss naman daw niya talaga ang showbiz life.

Sabi nga niya sa kanyang vlog na kausap sina Chit Guerrero, Maribeth Bichara at Roderick Paulate; “Bawat makita ko nagiging sentimental ako. Parang naiiyak ako palagi, when I see this, when I see you people.

“I miss this life. Imagine, matagal akong nawala sa showbiz because of my job, as a public Servant. Nag-COVID pa na nakatago ka talaga sa bahay. Work from home lang ako e, ‘di ba? Maski sa mga constituent ko sa Lipa, video lang ako palagi.

“So now I’m starting to go out. Ang then, ito pa ‘yung nararamdaman ko, with my Mama Chit, Mama Betchay and my friend Dick, with you guys. Kaya siguro ganito ka-sensitive ‘yung emotion ko.”

Sana nga matuloy itong special para kay Ate Vi at magiging hudyat na rin ng pagbabalik niya sa showbiz, dahil pansamantala muna niyang iniwan ang public service.

vuukle comment

ATE VI

BARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with