^

PSN Showbiz

Alden, protektado ng Kapuso!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alden, protektado ng Kapuso!
Alden Richards.

Talagang ikinagalit ng GMA 7 iyon mga kumakalat na photos ni Alden Richards na bastos at alam mo na gawa-gawa lang ng mga gustong manira. Sa bait kasi ni Alden, hindi niya ito papansinin pero hindi pinalagpas ng GMA 7. Talagang nagsabi sila na idi-demanda ang sinuman mahuli na nagkakalat ng photo o mag-comment tungkol dito. Ganun kamahal ng GMA 7 si Alden na isa sa pinaka-professional at mabait na stars ng network.

Kaya iyon mga krung krung na walang magawa at pati si Alden gustong paglaruan sa kalukuhan nila, mag ingat dahil lagot kayo sa GMA 7 na handang ilaban ang karapatan ng aktor. Talagang super duper sikat si Alden kaya target siya ng mga walang magawa.

Trophy na gawa sa kahoy, tawag-pansin

Ang ganda ng binigay sa inyo ni Richard Hinola na wood trophy para sa Empowered Women and Men 2022 na gawa pa sa Minda­nao, Salve.

Ang cute nga kaya napansin ko agad, at talagang delivered sa SuperSam ni Richard mismo para tanggapin ninyo ng Mr. Fu matapos ninyong hindi puntahan ang awarding nito na ginanap sa Promenade Greenhills two weeks ago. Kaya dinala na lang ni Richard sa Super Sam. 

Maganda ang idea ng trophy at maganda talaga ang workmanship kaya nga isang karangalan ang natanggap ninyo ni Mr. Fu.

Congrats at talagang multi-awarded na kayong dalawa ni Mr Fu.

Gusto ko ring mag-thank you tayo sa SuperSam, kay Sharon Natividad at Gerry Sy dahil talagang asikasong-asikaso tayo sa tuwing nandun tayo para sa Take It, Take It… Me Ganon. Talagang kung minsan kahit ang ingay natin, Ok lang sa kanila at may naka-assign na talaga para sa atin, si Aiza ng SuperSam.

Kasi nga, para na rin bahay natin ang SuperSam na talaga naman masarap na ang pagkain, bongga ang service at very reasonable ang prices.

Saka suwerte sa atin, tignan mo may award na agad kayo ni Mr. Fu.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with