^

PSN Showbiz

Richard, sabik nang umuwi sa pamilya

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, sabik nang umuwi sa pamilya
Richard at Sarah
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, excited si Richard Gutierrez nang ka-chat ko kahapon sa pamamagitan ng WhatsApp.

Simula ngayon kasi ay one week na lang ang ipaghihintay niya at makakasama na uli niya ang misis na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Zion at Kai. “Uuwi na ako sa April 13,” sey ni Ri­chard nang tanungin ko kung hanggang kailan siya sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Lumabas na ‘yung artcard ng pagbibidahan niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Iron Heart, pero hindi pa masabi ni Richard kung hanggang kailan ba siya sa action-drama series ni Coco Martin.

Actually, June 2020 nang magsimula siyang mag-taping sa series na ‘yon at triangle pa sila noong una ni Coco kay Yassi Pressman na kababata niya sa istorya hanggang sa mapatay na nga ito.

Anyway, ‘yung tungkol sa pagbibidahan niyang Kapa­milya series, hindi pa puwedeng magkuwento ng tungkol doon si Richard dahil bawal pa nga.

Magkakaroon naman ng official announcement ang Kapamilya Network tungkol doon, kaya abangan na lang.

Going back sa na­lalapit nilang pagkikita ng kanyang mag-iina, sabi ni Richard, may plano na silang out-of-town camping uli.

Bongga!

Mga picture grabber, dedma sa watermark

‘Kaaliw ang mga nag-react sa picture nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na pinost ko sa aking Instagram (@junlalin) at Facebook accounts.

Nilagyan ko kasi ‘yon ng pagkalaki-laking watermark na, “Picture by Jun Lalin.”

Sabi ni Ruffa Gutierrez, “That’s the biggest banner on earth! LOL.”

Si Pops Fernandez, nag-DM (direct message) naman sa akin. “‘Yan ang watermark. Ang laki talaga ng by Jun Lalin. Hehehe. “Natawa ako. Napaka-‘subtle’ niya. Hahaha. You’re so funny. I love it!”

Sinadya ko talagang lagyan ‘yon ng pagkalaki-laking watermark na “Picture by Jun Lalin” dahil sa tuwing nagpo-post ako ng picture ng PauNine, aba, ninanakaw talaga ng kung sinu-sino at parang pina­lalabas na sila ang may kuha. Feeling nila sila ‘yung kasama nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa OA sa Love in the USA California concert tour, huh!

Wala man lang courtesy na lagyan ng ‘credit to the owner,’ ‘noh?!

Pero nakakaloka pa rin ang iba, may mga nagnakaw pa rin at hindi man lang nagbigay ng credit sa akin. Tinakpan lang daw ‘yung watermark na inilagay ko.

Parang gusto ko tuloy tumili ng, “Ang kapal!” dahil nakakaloka ang ginagawa ng mga picture grabber na ‘yon.

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with