^

PSN Showbiz

Ogie at Regine, isasabay ang concert sa family bonding

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ogie at Regine, isasabay ang concert sa family bonding
Regine, Nate at Ogie

Alam mo, Ateng Salve, sa Monday ang alis ni Ogie Alcasid ng Los Angeles, California pauwi ng ‘Pinas kaya bale Wednesday mor­ning ang dating niya sa atin. At sa tsikahan namin ng mister ni Regine Velasquez-Alcasid, sinabi niyang kailangan muna niyang mag-quarantine ng two days bago makapag-report sa It’s Showtime. May ganoong rule raw kasi ang ABS-CBN.

At sa Sunday next week (April 10), pupunta na ng Balesin island si Ogie kasama ang kanyang pamilya dahil doon sila magho-Holy Week. Family bonding sila, pero may shows din sila roon. “May tig-isang show kami ni Reg,” tsika ni Ogie na sobrang na-miss ang kanyang mag-ina – Regine and Nate.

As you read this, papunta na si Ogie, kasama sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, pati ang buong entourage nila, sa Sycuan Casino Resort sa El Cajon, California para sa second show nila ng OA sa Love in the USA ngayong April 2 (bukas ng before lunch time sa atin sa Philippines).

Sobrang thankful ang tatlo dahil noong isang araw pa ay naikuwento ng kanilang show promoter na si Nathaly Rosalie ang good news ng producer ng concert na ‘yon, si Ms. Carnie Bañares, na sold out na ang tickets para roon.

Ang bongga!

Piolo, mabenta pa sa Amerika

Ang bongga rin ni Piolo Pascual dahil sa July ang shows nila ni Sam Milby around America at sa last quarter of 2022 pala ay may kinakasa na ring shows nila ni Jericho Rosales, huh!

In fairness, mabili pa rin si Papa P sa mga Pinoy roon.

Actually, noong Thursday night (kahapon ng tanghali) nga na nasa Yamashiro Hollywood kami ay may nagtsikang darating doon si Piolo kaya na-excite ang mga Pinoy na naroroon.

Hindi nga lang natuloy pumunta roon si Piolo dahil may meeting pa raw ito.

Samantala, masaya ang mga fan ng Kapamilya actor dahil napapanood siya ngayon sa TFC (The Filipino Channel) sa sitcom nila nina Pia Wurtzbach at Pepe Herrera, ang My Papa Pi.

Excited na rin ang TFC subcribers para sa Flower of Evil ni Papa P kung saan kapareha niya ang Kapamilya Precious Jewel na si Lovi Poe.

Pareho nga palang nasa LA ngayon sina Piolo at Lovi at malamang na magkita roon ang dalawa.

‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with