^

PSN Showbiz

Derek, grand piano ang anniversary gift kay Ellen

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Derek, grand piano ang anniversary gift kay Ellen
Ellen.

“Same day last year” ang magkaparehong caption sa Instagram post ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang Instagram account nung nakaraang Miyerkules.

One year ago nang mag-propose si Derek kay Ellen, at pagkalipas ng walong buwan, ikinasal na sila. “Exactly one year ago I made the best decision of my life. I love you @maria.elena.adarna.”

Nakikita sa posts nila na sobrang saya nila, lalo na’t natuloy ang honeymoon nila sa Tanzania, Africa kasama pa si Elias.

Bago pa dumating ang anibersaryo ng proposal, ipinost ni Derek ang pagdating ng grand piano para kay Ellen.

May pinasalamatan si Ellen na kum­panya para sa dumating na piano, pero hindi naman nabanggit kung regalo ba ito ni Derek sa kanyang asawa.

Ngayon ay nakahiligan na ni Ellen ang magpatugtog ng piano at sinasabayan niya ito ng kanta.

Isa nga sa nag-comment sa post niyang tumutugtog ng piano ay ang kapwa Cebuanang si Vina Morales.

Sa salitang Cebuano ay nag-comment si Vina na mag-enjoy lang sa pagkanta, pero lalo pa raw gumanda si Ellen.

Sinagot naman ni Ellen na sana mag-share naman daw si Vina ng ganda ng boses nito, para ma-perfect na raw niya.

Kulang pa raw sa talent at hindi pa kayang dalhin ng confidence.

Nakikitang sobrang nai-enjoy ng mag-asawa ang bonding sa kanilang tahanan.

Okay na raw si Ellen na mabuntis uli at sana matuloy na ito ngayong taon.

Parang Paunine lang... Rayver at Julie Anne, obvious na rin ang relasyon

Kapansin-pansin na ang kakaibang closeness nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa gues­ting nila sa concert series ni Ogie Alcasid, ang OA sa Love in the USA sa California.

May mga nagpu-post ng holding hands nila sa stage, at pati ang IG post ni Paulo ng isang babae sa beach ay kinakiligan dahil obvious na si Janine naman ‘yun.

Pero hindi rin nagpapahuli sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, na super kilig much ang pinu-post nila sa kani-kanilang TikTok na magkasama silang sumasayaw.

May injury pa si Rayver sa paa kaya nakaupo lang sila ni Julie Anne pero ang cute pa rin nilang sumayaw.

Ito ang huling post ni Julie Anne na may caption na “With the master tiktokerist.”

Mahigit 500K na ang nag-like sa TikTok post na ‘yun. May halos 4K comments na at mahigit na 3K shares.

Karamihan sa comments ay kinikilig sila at masaya para sa kanilang dalawa. Sana totoo na raw na silang dalawa na.

Kung sinasabi ni Janine na nasa masayang level sila ni Paulo, hindi naman masagot ni Julie Anne kung saang level din ba sila ni Rayver.

“We’ll see” lang ang sagot niya nang tinanong ko kung hanggang friends lang ba ang closeness nilang dalawa.

Mas mabuting si Rayver na lang daw ang tanungin kung nanliligaw ba siya at saang level na rin sila.

Samantala, successful ang katatapos lang na Stronger Together: GMA Pinoy TV at Expo 2020 Dubai na ginanap sa Dubai Millennium Ampitheatre nung nakaraang March 30.

May fans na nag-post sa kanilang TikTok account na pinagkaguluhan sina Julie Anne, Xian Lim at Jessica Villarubin sa kanilang meet and greet bago ginanap ang kanilang concert.

Napuno raw ang buong venue, at talagang nag-enjoy ang mga kababayan natin doon sa biritan na pati ang kakisigan ni Xian ay bentang-benta pa rin sa fans lalo na raw ‘yung mga sumusubaybay sa kanya mula pa nung nasa ABS-CBN pa ang aktor.

Malapit na rin ang presscon ng False Positive.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with