^

PSN Showbiz

Paolo, inaming iniintindi lagi si Yen!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, inaming iniintindi lagi si Yen!
Yen at Paolo

Ilang linggo rin sa Bicol si Paolo Contis para tumulong sa pangangampanya sa ineendorso niyang partylist.

Naka-text ko siya kahapon at pabalik na raw siya ng Maynila.

Ang alam ko ay meron siyang taping sa Bubble Gang, kaya kailangan niyang bumalik muna.

Pero sinasabi niyang nai-enjoy na niya nang husto sa Bicol at hindi malayong kumuha na siya ng bahay doon para matitirhan niya.

Kinukumbinsi kasi Paolo ng mga kasamahan niya sa Ako Bicol Partylist na pasukin na ang public service. Gustung-gusto siya ng mga Bicolano, at balak nga raw niyang mag-stay nang matagal-tagal sa Catanduanes na kung saan tagaroon ang kanyang Mommy.

May gagawin kasing pelikula ang Kapuso actor na kukunan ang kabuuan sa Catanduanes, kaya medyo magtatagal nga siya roon.

At sa tinagal-tagal niya sa Albay, natututo na raw siyang magsalita ng Bicol kaya sa salitang Bicol na ang ibang post niya.

At ang unang nagre-react sa post na ‘yun at nag-comment ay si Yen Santos.

Comment ni Yen: “Naintindihan mo ba caption mo?”

Sinagot naman ito ni Paolo ng: “Oo naman! Gaya ng pagiintindi ko sayo! (laugh and moa emoji).”

May ilang nag-react na nga sa sagutan nila.

Kaya mukhang nagpapaka-cheesy na ang dalawa, at tila inuunti-unti nang inilalantad kung ano talaga ang tunay namagitan sa kanilang dalawa.

Hindi pa rin naman sila nawawalan ng bashers, pero ang ilan naman ay nakukuha ng charm ni Paolo ‘pag sinasagot niya ito.

Kit, nagparamdam

Nag-post si Kit Thompson sa kanyang Facebook account, pero wala siyang pahayag kaugnay sa kanila ni Ana Jalandoni.

Ni-repost niya ang isang pa-blind item ng isang internet personality na obvious namang nagpapansin lang.

May pa-blind item na isang babae raw na dinala ng isang Chinese businessman sa Amanpulo at binayaran diumano ng P250K.

Hindi tinapos ang kuwento, pero si Kit ang kaagad na nag-react dito at sinabi niyang “stop spreading misinformation.”

Ang ibang celebrities ay hindi na pinapansin ang pasabog nitong pekeng blogger na ito, pero hindi napigilan ni Kit na mag-react kaya sa kauna-unahang pagkakataon pagkakatapos ng gulo nila ni Ana ay nag-post na rin ang aktor sa kanyang social media account.

Hindi pa nagsasalita si Kit at pati ang kampo niya, pero sabi ng abogado ni Ana na si Atty. Faye Singson, pursigido raw ang aktres na ituloy ang kaso.

Sinasabi ni Ana na mahal pa rin niya ang aktor, may posibilidad na magkaayos sila at kapag humupa ito, malay natin baka magkakabalikan din silang dalawa.

Pero sabi naman ni Atty. Singson, halimbawang umokay na sila at nagkaayos na, tuloy pa rin ang kaso dahil itong unang nai-file na Anti-VAWC case ay People of the Philippines versus Kit Thompson.

Wilma, naka-jackpot kay Dingdong

Lalo pang tumataas ang rating ng Family Feud ni Dingdong Dantes.

Akala nga namin ay madaling pagsawaan at baka bumaba na ang viewership, pero mas tumaas pa ito at lalo pang nakakaaliw ang bawat episode dahil nakakatuwa naman kasi ang mga naglalaro.

So far, ang pinakamataas na naitalang rating ng Family Feud ay nung naglaro sina Wilma Doesnt kasama ang pamilya niya laban naman sa pamilya ni Bernadette Allyson-Estrada.

Sina Wilma ang nanalo at muntik na nilang nakuha ang jackpot.

Pero jackpot naman si Wilma sa kayayakap kay Dingdong.

Hindi pa naman kasal si Wilma nung tinape nila ang naturang episode.

Pero masaya nga ang episode na ‘yun na nakapagtala ng 6.8 percent. Iyon na ang pinakamataas na rating ng naturang game show.

Sabi nga ni Dingdong: “Maraming salamat sa suporta. Umpisa pa lang ito ng masayang bonding with the family araw-araw… dito sa GMA. Good vibes from the start to finish.”

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with