^

PSN Showbiz

Yasmien, mas bumata sa tabi ni Bea!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Yasmien, mas bumata sa tabi ni Bea!
Yasmien
STAR/ File

Nakita ko sa TV ‘yung storycon ng Start-Up. Ang ganda nga ni Bea Alonzo, at pogi ni Alden Richards. Pero ewan ko ba, parang mas bata pa ring tingnan si Yasmien Kurdi na may asawa at anak na, at nang dumating si Gina Alajar parang pumasok sa isip ko bagay silang magkaliga ni Bea Alonzo.

Iyon bang parang senior star na rin ang tingin ko kay Bea dahil sa mga press release na multi-awarded at box office queen daw, parang ang senior na ng dating sa paningin ko, hah hah hah.

Puwede na ngang tita ni Alden dahil talaga namang ang yummy nito at mukhang batang-bata.

Kaya naisip ko talagang baka nga iba na ang charisma ni Bea, pang-senior na talaga, wala na ‘yung sensuality na pambagets, ibang level na.

Ok lang naman, ‘di ba, at least big star pa rin siya.

Willie, napadasal para sa kalusugan

At least dasal ang hinihingi ni Willie Revillame nang malaman may polyps siya sa colon at tiyan. Kaya nga financially, kayang-kaya ni Willie Revillame ang malaking gastusan para gumaling sa sakit, pero mas matimbang pa rin ang dasal.

Mas malaki pa rin ang power ng nasa Itaas, dahil kahit anong laki ng pera mo, walang magagawa kung ano ang gustong mangyari ni God. Kaya maganda ‘yung gesture ni Willie na humiling ng dasal para sa kanyang kalusugan, at sana nga dahil marami naman siyang pera na puwedeng itulong sa mga maysakit na walang kakayanan para magpagamot, mag-share rin siya ng tulong sa mga ito.

Dapat lang na kahit wala sa TV ang gagawin niyang pagtulong ituloy pa rin niya.

Mas maganda nga na hindi man makita ng tao ang ginagawa mo dahil mas sincere ang dating noon.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with