^

PSN Showbiz

As a friend ni Paolo, palasak na sa social media

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
As a friend ni Paolo, palasak na sa social media
Paolo.

Gamit na gamit ang linyang ‘as a friend’ sa fan page ni Paolo Contis sa Facebook.

Ipinost doon ng Kapuso actor ang mga kuha niya sa kanyang pag-iikot sa Albay para sa ini-endorso niyang Ako Bicol Party­list.

As of yesterday, meron na itong mahigit 300 comments at karamihan sa mga komento ay iboboto daw nila as a friend.

Gustung-gusto rin si Paolo dahil napapanood nila ito sa Bubble Gang, pati ang ilang pelikulang ginawa niya kagaya ng Through Night and Day.

Akala siguro ng iba, isa sa  nominees ng naturang partylist si Paolo, kaya sinasabi nilang iboboto nila ito.

May nag-comment din na dapat ay sinamahan ito ni Yen Santos, as a friend kagaya nung nag-Baguio sila.

Sinagot naman siya ni Paolo ng, “Sige next time.”

Natuwa sa kanya ang ilang fans na game na game niyang sinagot kahit medyo pinipitik siya ng iilan.

Pero kahit binaba-bash siya, ang ending naman ng thread na iyun ay nagustuhan na siya.

Ang Bubble Gang lang ang regular na tini-tape ni Paolo kaya okay lang na magtagal siya sa Kabikulan para ipagpatuloy ang pangangampanya ng nasabing partylist.

Totohanin kaya niyang isasama niya si Yen Santos next time?

Mahusay na aktor na si Dido dela Paz, nanawagan ng tulong

Nabagbag ako sa nabasa kong FB post ng character actor na si Dido dela Paz, 65 years old na nasa banig ng karamdaman.

Kahapon ng madaling araw niya ipinost sa kanyang Facebook account na humihingi siya ng tulong pinansyal para sa kanyang papagamot at dasal na malagpasan niya ito.

“Hindi ako makatulog....

“Paano na kaya ito???... Sabi ng doktor hindi na raw pwedeng operahan yung cancer ko. Kumalat na.

“Base sa nakita sa ctscan, umabot na sa utak ko. May nasilip din sila’ng kung ano sa lungs ko.

“Kailangan kong ma test to rule out TB dahil baka mahawaan ko ang pamilya ko, ang mommy ko na 96 yrs old na at mga anak kong mga bata pa.

“Hindi din daw makukuha sa chemo. Radionco­logy daw ang posible pero mahal. Kailangan ng cranial ctscan, chest ctscan, o baka petscan para isahan nalang.

“Lumolobo ang utak ko sa halagang kakailanganin. Gusto kong gumaling, lumaban!

“Gusto kong mabuhay, hindi para sa akin kundi para sa mga anak ko na mga nagaaral pa at ako lang ang inaasahan.

“Gusto ko sanang maka attend ng debut ng 14 year old daughter ko...pero Paano?

“Pinoproblema ko nga yung upa nitong buwan na ito. Koryente, pagkain.... Paano!!!???

“Kaya humihingi ako ng dasal, dahil hindi ko maisip kung paano. Wala along naipon, Matagal na akong walang trabaho. Wala akong options! Nagdadasal ako para sa milagro.

“Pinagdadasal ko na sana may mga tumulong ulit sa akin. Na sana hindi magsawa at muli ay tumulong. Mga may konting sobra na magsshare ng kanilang blessings.

“Hindi ko kayo kayang bayaran pero masusuklian ng Diyos ang inyong pasakit, kabutihang loob at pagmamahal.

“Kung meron sa inyong nahihipo ng Diyos na tumulong, nasa ibaba ang mga detalye kung saan pwede niyong ipadala ang tulong niyong pinansyal.

“Help me please...HELP US? Please continue praying also.”

Dito naman nakikita kung gaano ka-solid ang bayanihan sa showbiz. Alam kong marami ang maghahatid ng tulong.

Tiyak hindi magpapabaya ang MOWELFUND at FDCP. Pero sana nga iyung pangmatagalan na tulong para sa pamilya ng aktor.

Magaling na aktor si Dido dela Paz.

Nakilala siya sa Cinemalaya at award-winning film na Respeto na pinagbidahan ng magaling na rapper na si Abra.

Sana patuloy nating ipagdasal si Sir Dido na malagpasan niya ito alang-alang sa kanyang pamilya.

Sa mga interesadong magpahatid ng tulong, puwedeng ipadala sa kanyang BPI savings account 848-914-6232, under Bienvenido V. de la Paz II, o kaya sa kanyang GCash acct.number- 0905-737-2088.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with