^

PSN Showbiz

Soundtrack ng series ni Francine, sinulat nina Akira at KD...

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Soundtrack ng series ni Francine, sinulat nina Akira at KD...

Sagot nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nateng (BGYO) at KD Estrada ang mga bagong kanta tungkol sa pagmamahal at pagtatantong nagmamahal siya sa original soundtrack ng iWantTFC series na Bola Bola na napapakinggan na sa iba’t ibang streaming platforms.

Bida sa kantang Mahal Na Kita na isinulat at kinanta ni Akira ang mensahe na mas minamahal ng isang tao ang kabutihan ng isang tao kaysa sa panlabas nitong itsura.

Bukod sa solo rendition ni Akira sa kantang ito, may bersyon din siya kasama ang kapwa niyang miyembro sa BGYO.

Panigurado rin na makaka-relate rito ang mga taong hirap na magsabi ng kanilang nararamdaman sa kanilang crush o iniibig.

Ang original soundtrack ng Bola Bola ay iprinoduce ni Jonathan Manalo at Star Music.

Napapanood na ang Bola Bola na tungkol sa kwento ni Thea, isang 220- pound na babaeng makakaranas ng sakit at saya ng unang pag-ibig. Hindi magiging madali ang kanyang lalakbayin dahil dadaan pa siya sa proseso ng pagmamahal at pagbibigay halaga sa sarili.

Mas magiging mahirap pa ito sa pagpasok nina Lucas, Julian, at Josh (Ashton Salvador) sa kanyang buhay.

vuukle comment

BGYO

KD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with