^

PSN Showbiz

Jeremy, ingat tungkol sa nakabuntis kay Winwyn!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jeremy, ingat tungkol sa nakabuntis kay Winwyn!
Jeremy
STAR/ File

Ginanap ang Appreciation dinner ng Metro Manila Film Festival 2021 (MMFF) nung Biyernes ng gabi sa Novotel sa Cubao, Quezon City kung saan ay doon na ipinamigay ang trophy at cash prize sa mga nagwagi.

Pati ang winners sa I love MM songwri­ting, photos at art competitions ay doon na rin in-announce at ibinigay ang premyo.

Matapos mag-resign si MMDA Chairman Benhur Abalos, pinalitan siya ni Atty. Romando Antes na na­ging bahagi naman ng MMFF mula pa nung 2017.

Madamdamin ang kanyang pahayag dahil bukod namayapa na ang kanyang mentor dito na si da­ting Chairman Danny Lim, sandali lang daw ang panunungkulan nila dahil hanggang June 30 lang daw siya, pagkatapos magpalit ng administrasyon.

Bilang overall chairman ngayon, sinubukan naman daw nilang maging successful ito kahit nasa gitna tayo ng pandemic. “Alam naman po natin ang estado ng MMFF for these past two years. Pero ang masasabi ko lang po, ginawa po namin lahat ang aming makakaya para maitawid, despite the pandemic.”

Ang isa sa naging kalaban talaga nila ay ang pamimirata nung sinubukan nilang mag-online.

Itong nakaraan naman ay hindi pa ganun kahanda ang mga taong manood sa mga sinehan, pero naitawid naman.

Pero punung-puno siya ng pag-asa na sa susunod na MMFF ay magiging successful na ito.

Kaya ngayon pa lang ay sana mapaghandaan na ng producers ang isasali nilang entry sa MMFF 2022.

Doon na rin sa Appreciation Dinner in-announce ang schedule ng MMFF 2022.

Ang Submission of Letters of Intent ay not later than 5 ng hapon ng April 30. Ang Submission of Scripts ay not later than 5 p.m. of June 15, at ang announcement ng 4 na official script entries ay not later than 5 p.m. ng June 30.

Ang Submission of Finished Films (including the finished films based on script selection) ay not later than Sept. 30.

Ang inaabangang announcement of the complete eight official entries ay sa Oct. 15.

Nandun din sa naturang event ang bagong OMB Chairman Jeremy Marquez.

Naibahagi rin niya na kahit hindi pa ganun karami ang mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan, mahirap pa rin sa kanilang ahensya ang pag-enforce ng mga namimirata dahil sa mga lumalabas sa online at streaming app. “Ang problema kasi natin ngayon, medyo hindi pa masyadong direct ‘yung batas natin that regulates ng mga online, ng mga streaming. So, very vague pa ano. But we’re working with different agencies that really tackle on how we can at least deter, or at least how we can approach it,” ayon kay Jeremy.

Samantala, kinumusta na rin namin sa kanya ang kapatid na si Winwyn Marquez na malapit nang mangank.

Ayaw sagutin ni Jeremy ang tanong ko kung totoong nag-propose na ang partner ni Winwyn na nakabuntis sa kanya.

Masaya lang daw silang lahat, lalo na ang daddy niya na matagal na rin naman niya gustong magkaapo kay Winwyn. “Ang daddy ko matagal na niyang pinu-push na si Winwyn is not getting any younger. Gusto namin na meron din siyang family.

“So, when she broke the news to us, we’re very happy. We’re excited na lalabas na rin soon,” napapangiti niyang pahayag.

Nakikita naman daw niyang magiging great mother si Winwyn sa kanyang magiging pamangkin.

“Winwyn is a great person. She’s very responsible, very strong.

“She’ll be a very very good mother, maybe a good wife as well. Someone who can take care of a family. So, I’m very proud of her,” dagdag niyang pahayag.

Kaya kinulit ko na rin kung malapit na rin bang maging wife si Winwyn nitong lalaking nakabuntis sa actress/beauty queen.

“I’m sure napapag-usapan na ‘yan. I feel that I cannot disclose anything. I think she has announcement. I don’t know.

“Kung ano man ‘yun, I’m sure good days are ahead of them, and our whole family will support them,” saad ni Jeremy.

Eugene, balik-Kapuso

Pagkatapos ng Dear Uge, babalik si Eugene Domingo sa GMA 7 at mapapanood sa All-Out Sundays ngayong tanghali.

May musical number siya at kasama rin siya sa comedy segment.

Sana tuluy-tuloy na ang pagiging Kapuso niya ulit, at mabigyan siya ng bagong show.

Hindi na muna kasali si Tom Rodriguez, pero nandiyan naman si Xian Lim na magpu-promote ng kanilang GMA Pinoy TV Expo 2020 sa Dubai sa March 30. Kasama niyang magpu-promote sina Julie Anne San Jose at Jessica Villarubin.

May jamming din sila ni Glaiza de Castro para sa kanilang nalalapit na drama series na False Positive.

Ilan lamang ito sa aabangan sa AOS ngayong tanghali.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with