^

PSN Showbiz

Sosyalerang aktres, kinakaibigan ngayon ng dating nagmamaldita sa kanya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ang ilang malalapit na kaibigan ni maganda at sos­yalerang aktres, kung bakit super close itong si gandarang aktres sa kanya.

Alam ng close friends ni sosyalerang aktres ang kuwento nung bagets pa sila at nasa iisang TV network lang pa sila.

Alam nila kung paano i-bully ni gandarang aktres si sosyalerang aktres.

Minsan ay naiiyak na lang daw si sosya­lerang aktres kapag minamalditahan siya nitong si gandarang aktres.

Pagkalipas ng matagal na panahon, ang daming nabago.

Hindi na sila magkasama sa isang network.

Namayagpag si sosyalerang aktres sa malaking pagbabago ng kanyang career, at bumuo na sila ng kanilang pamilya.

Nitong mga nakaraang araw ay bumulaga ang pag­rampa ni sosyalerang aktres sa iba’t ibang events. Hindi lang dito sa Pilipinas sinubaybayan, kundi pati sa ibang bansa.

May sarili na siyang brand, at name sa bagong mundong pinili niya.

Pero nanatili pa rin ang close friends niya na nakikita niya sa ibang gatherings at nagsasama pa sila minsan sa ibang bansa.

Nandun din itong si gandarang aktres na malaki na rin ang ipinagbago. Super bait na siya ngayon, at super close na siya kay sosyalerang aktres.

Siya na raw mismo ang nagyayaya na lumabas dito kay sosyalerang aktres dahil sinasabi raw niyang noon pa man ay close na talaga sila.

Mabait lang daw talaga si sosyalerang aktres, kaya hinahayaan na lang niya at nakikisama naman siya, kahit tumataas ang kilay ng mga taong malapit sa kanya.

Nakalimutan na ang nakaraan, ang mahalaga ay masaya na silang magkakaibigan. Love love love na lang!

Gladys, may sepanx sa Pepito

Na-extend na naman pala ng ilan pang linggo ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Nagkaroon na ng farewell party ang buong cast dahil nakapag-last taping na sila, pero biglang nagtawag uli ng dagdag na taping, kaya nagkikita-kita na naman sila uli.

Ang ikina-sad lang daw nila ay hindi na kasali si Mikee Quintos dahil nasa lock-in taping na ito ng isa pang drama series na sinimulan niya.

Nakaka-text ko nga si Gladys Reyes na kasama rin sa kanilang pagbabalik-taping. Sabi niya; “Happy kami siyempre. Pero na-sad lang ako, wala na si Mikee naka-lock in na kasi. Sobrang saya namin sa farewell get together na para safer, may antigen muna kami bago mag-start, sa bahay kami nila Mikee.

“Nag-videoke, and kuwentuhan, kainan. Thankful ako kay Kuya Bitoy sa  pagbibigay sa akin kay Rosa, kasi na-enjoy ko talaga gawin siya.”

Kung hindi ako nagkamali, parang may tatlong taping days pa sila bago ikasama ng bagong season ng Pepito Manaloto nina Michael V. at Manilyn Reynes.

Pero sabi nga ni Gladys, iba raw talaga ang samahan nila sa taping na kung saan doon nabuo ang kanilang magandang friendship. “Ma-miss ko kuwentuhan sa tent namin  nila Powkie, Archie (Alemania) pati sila Sef (Cadayona), Kokoy (De Santos), Mikee, Kristoffer (Martin) and Jay (Arcilla).

“Kami kami kasi ang magkakasama madalas. Pati mga staff at dalawang director naming na napaka-cool,” dagdag na pahayag ni Gladys.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with