^

PSN Showbiz

Piolo at Arci, may ‘niluluto’ sa LA?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Piolo at Arci, may �niluluto� sa LA?!
Piolo at Arci
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, may nakapagkuwento sa akin na may pinaplano raw na project sina Piolo Pascual at Arci Muñoz.

Parehong nasa Los Angeles, California ngayon ang dalawa.

Si Arci ay matagal-tagal na rin na nasa Tate samantalang si Piolo ay nagpunta roon last week pagkatapos ng cycle 2 ng lock-in taping nila ni Lovi Poe ng Flower of Evil ng ABS-CBN.

Lovi, pinakilala ang BF kay Sen. Grace

Like Piolo, nasa LA rin ngayon si Lovi kasama ng boyfriend na si Montgomery Blencowe.

Shinare ni Lovi sa social media ang ‘reunion’ at catch-up sa kanyang pamilya at kasama nila ng kanyang boyfriend sa picture na ‘yon ang sister niyang si Senator Grace Poe.

Ang alam ko, makikipagkita rin si Lovi sa grupo ni Ogie Alcasid na umalis kagabi pa-LA.

Ipakikilala raw ni Lovi ang kanyang boyfriend kay Ogie.

Bongga!

Pinoy shows, umaarangkada sa Amerika

Ang daming Pinoy shows sa Amerika ngayon, huh!

Alam mo ba, Ateng Salve, pati ang Rivermaya, Introvoys, sina Meds at Eugene ng True Faith at si Gloc9 ay magsasama-sama sa OPM Summer Fest 2022 sa July 16 sa City National Grove of Anaheim sa Anaheim, California.

Threelogy US concert tour, bongga ang bentahan ng tickets

Sa City National Grove of Anaheim din ang venue ng kick-off show ng Threelogy US concert tour nina Morissette Amon, Christian Bautista at Erik Santos.

Kahit less than a month lang nagdesisyon ang Spotlight Media Entertainment, Inc. ni Ms. Pen de Leon-Manahan na kunin ang concert na ‘yon, ang bongga pa rin daw ng bentahan ng tickets nila.

Ine-expect na maso-soldout ang tickets para sa kick-off show ng Threelogy bago maganap ‘yon sa April 1.

‘Yun na!

vuukle comment

ARCI MUñOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with