^

PSN Showbiz

Julia, pinaalis sa lock-in ng Probinsyano pagka-birthday!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Julia, pinaalis sa lock-in ng Probinsyano pagka-birthday!
Si Julia sa kanyang birthday celebration sa lock-in kasama si Coco.

Last week lang nag-lock-in taping sa Ilocos Sur ang FPJ’s Ang Probinsyano para sa panibagong cycle nila kaya nagulat din kami nang may nagkuwento na umuwi na ng Maynila si Julia Montes.

Konti pa lang daw ang mga eksenang nakunan kay Julia, eh, sa laki ng role niya bilang leading lady ni Coco, kaya nagtaka rin kami.

So, inusisa namin ang isang malapit sa Kapamilya actress.

May nangyari ba kaya biglang lumuwas ng Maynila si Julia?

Tsika ng taong tinanong ko, wala raw ‘gusot’. Nag-decide raw ang production na pauwiin muna si Julia dahil matetengga raw ang aktres dahil more than a week siyang walang eksenang kukunan.

“So, instead na maghintay ng matagal sa ‘bubble’, pinauwi na lang muna siya. Baka first week of April pa ang balik ni Julia sa Ilocos Sur. 

“Saka alam ko, may ire-revise rin sa script. May surprise yatang gagawin sa role niya,” sey pa ng kausap namin.

Noong Saturday nga pala ang birthday ni Julia at may nakapagkuwento rin sa amin na today ay may very intimate birthday dinner siya.

Sa bahay lang daw gagawin ‘yon at ilan lang ang imbitado dahil mismong ang sweetheart ni Coco ay hindi pa comfortable na mag-party.

Malamang din daw na bago bumalik sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ay may isu-shoot siyang commercial. Wow!

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with