^

PSN Showbiz

Mother Lily, nami-miss na ang mga eksena sa presscon

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Mother Lily, nami-miss na ang mga eksena sa presscon
Mother Lily at Lolit
STAR/ File

Mga ganitong panahon,  nami-miss ko si Mother Lily Monteverde. Kasi nga nang mag-sign ng contract si Lovi Poe sa Regal, si Roselle na anak niya ang namahala.

Usually kasi, ‘pag contract signing, si Mother Lily ang laging abala sa invitation, sa mismong araw talaga siya nag-aasikaso sa mga bisita.

Talagang mami-miss mo ang presence niya dahil mula pa noon siya na ang brand ng Regal.

Hoping she will always be healthy and well, dahil tulad ni Manay Ichu Ma­ceda, showbiz icon din si Mother Lily.

We miss you, Mother Lily, the same way we miss Manay Ichu Maceda. Pareho kayong well loved ng industry.

Mga paninira kay mayor joy, ‘di na pinaniniwalaan

Alarming naman ‘yung nangyayaring mga tapunan ng black propaganda ng mga kandidato.

Parang noong araw na sobra ang mudslinging ngayon parang ito ulit ang nangyayari.

Mabuti na lang at kahit ano pang paninira ang ginagawa ng mga kalaban ni Mayor Joy Belmonte ng Quezon City hindi pinapaniwalaan dahil nakita naman nila ang na­ging resulta ng trabaho ni Mayor Joy Belmonte.

Maganda at maayos lahat, pati pagkuha ng basura talagang regular, maganda ang police visibility kaya feeling safe ka, maayos ang city hall kaya walang backlog sa trabaho.

Pati medical assistance talagang nandiyan kaya naman masaya ang mga taga-QC. Iyan ang magandang gover­nance kaya dapat lang Mayor Joy Belmonte tayo sa eleksyon. Bongga ‘di bah. Wag padala sa mga naninira.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with