^

PSN Showbiz

Babad kahit wala nang eksena... sexy actress nagtago sa kuwarto ng pamilyadong bidang aktor habang nasa lock-in!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang daming nangulit sa amin tungkol dun sa baguhang aktres na nahuling lumabas sa kuwarto ni aktor habang nasa lock-in taping sila na lumabas dito kahapon.

 Ang dami na kasing ganung kuwento na mga kababalaghang nangyayari sa lock-in taping. Kaya minsan dagdag sa sakit ng ulo pa ito sa production na nahahaluan ng kalandian.

Sabi nga kasi ng ibang taga-production dapat talaga  na isipin ng mga artista na trabaho ang punta nila roon, hindi bakasyon.

Pero, hindi rin mapipigilan ng ibang artista minsan lalo na’t ang iba ay hindi naman nagagamit sa taping ng araw-araw. Kaya parang nagbabakasyon na lang talaga ang iba.

Kuwento nga ng isang staff na na­ging bahagi sa isang regular na show na nag-lock in taping somewhere in Pampanga, hindi lang daw one night stand ang trip ng ibang artista.

Kagaya nitong sexy actress na hindi raw ‘one night stand’ ang tawag nila sa ginawa nito sa set kundi literal daw na ‘rest period stand, until the next take stand’.

Kahit tapos na raw ang mga eksena niya, at pinapa-pack up na ito, hindi pa rin pala umaalis.

Nagtago raw ito sa kuwarto ng lead actor na kalaro niya roon sa lock-in taping.

May asawa si lead actor, pero open na open daw ang pakikipaglandian nitong sexy actress. Naka-piggy back pa raw ito sa lead actor minsan.

Nagulat na lang daw ang mga staff ng programang iyun dahil ang buong akala nila, nakauwi na itong si sexy actress dahil maaga siyang na-pack-up. Iyun pala kinabukasan pa nakauwi. Nagtago raw ito sa kuwarto ng lead actor.

Kaya nung tinanong ito minsan sa isang interview, ayaw niyang sagutin ang intrigang ito dahil siguro ayaw na lang niyang magsinungaling.

Rayver at Julie, may relasyon na

Wala pang nagkukumpirma, pero may nakapagbulong na sa aming sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na raw ngayon.

Kahit ang followers nila, lalo na ang JulieVer fans ay nagbubunyi dahil matagal na rin naman nilang inaasam na matuloy sa seryosong relasyon ang friendship ng dalawa.

Sa pagkakaalam ko ay nag-pack na ang Bolera nung first week of March. After two or three weeks daw ay balik sila para sa second cycle ng taping nito.

Si Rayver ang leading man sa Bolera ni Kylie Padilla. Kaya hindi pa siya napapanood sa All-Out Sundays.

Maaring nami-miss lang ni Rayver si Julie Anne kaya nag-post siya sa Twitter ng kuha nilang nasa isang rehearsal.

Ang sweet nila ni Julie Anne sa kuha nilang iyun na may caption pa si Rayver na; “Lupeeettttt Paturo mag sayaw pls hehe @MyJaps.”

Tuwang-tuwa ang  fans siyempre dahil nakikita namang may something na talaga sa dalawa.

Pero sa ngayon ay tahimik pa sila.

Ewan ko lang kung sasagutin ito ni Julie Anne kapag nagpu-promote na siya ng last leg ng Limitless musical triology niyang Rise na naka-schedule na sa April 9.

Michael V., wala pa rin sa Bubble...

Consistent na mataas na ngayon ang rating ng Bubble Gang.

Maaga kasi ang pasok nito pagkatapos ng Widow’s Web. Pero nagsimula  na ang Mano Po Legacy: Her Big Boss kagabi, kaya mauurong at balik na sa 10:20 na timeslot.

Mababa na ang viewership niyan.

Pero mas masaya na ngayon ang Bubble Gang, dahil medyo lumuwag na at nabawasan na ang restrictions. Mas okay sana kung regular nang makakasama nila si Michael V.

Malaking bagay ding ang daming nagsi-share sa Tiktok ng mga nakakatawang sketches ng Bubble Gang.

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with