^

PSN Showbiz

Bela, inaming hindi namana ang pagiging palamura ng ibang direktor

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bela, inaming hindi namana ang pagiging palamura ng ibang direktor
Bela
STAR/ File

Katulad ni Coco Martin na bukod sa pagiging bida sa mga proyektong ginagawa ay nakapagdidirek na rin si Bela Padilla.

Ang aktres ang magbibida sa pelikulang 366 na siya rin mismo ang gumawa bilang isang direktor. Dahil dito ay hindi maiwasang maikumpara si Bela sa aktor. “That is very sweet, maraming salamat. Coco is a very, very talented person. Bukod sa pagiging actor/director kahit noong umpisa pa lang ng Probinsyano no’ng nandoon pa ako, siya rin ang nagko-conceptualize ng maraming plot ng Probinsyano. So he’s really a creative force I guess in his generation, in his world. So I’m very happy for him and very proud of him,” bungad ni Bela.

Ito ang kauna-unahang proyektong nagawa ng dalaga bilang isang direktor. Kasama ni Bela sa naturang proyekto sina Zanjoe Marudo at JC Santos. Ayon sa aktres ay malayung-malayo pa ang agwat ng mga ginagawa nila ni Coco. “I think malayo pa ‘yung kailangan kong tahakin para masabing ka-level ko si Coco. Kasi si Coco ‘yon eh. ‘Pag umabot na po ako sa sweldo ni Coco, masasabi ko na talaga na ka-level ko na siya. But seriously, I’m happy to be compared to Coco because I have great respect to him as ‘yon nga sa creative force. But we do different projects. Hindi ko kayang magdirek ng action. I cannot come up with action scenes. And I guess in the same way na baka there are things na I can do na hindi naman kayang gawin ni Coco. So we’re very different,” giit ng aktres.

Si Bela raw ang klase ng direktor na hindi nagmumura pagdating sa trabaho. “Naku! Never, kahit sa ibang set, nate-tense ako kapag may ibang direktor na nagmumura. Never pa akong namura ng direktor ko to be fair, never pa akong nasigawan. Baka nasigawan na ako noong baguhan ako. But I’ve seen it happened and ayaw na ayaw ko ‘yung nangyayari sa artista kapag nasisigawan sila. Kahit hindi artista, kahit crew or kapag nasigawan, nakikita mo silang mag-close as a person. Once na nag-close ka na, ‘Shocks! Pumalpak ako, hindi ka na creative,” paliwanag niya.

Wilbert, napapraning sa sexy scenes

Tuluy-tuloy na ang ginagawang pagpapaseksi ni Wilbert Ross sa mga pelikula. Kahit naghuhubad ang aktor sa mga eksena ay aminadong kinakabahan pa rin sa tuwing ginagawa ito. “Feeling ko naman ‘yung pagiging praning ko, kasi praning talaga ako sa madaming bagay at nag-o-overthink ako and by that thinking lagi akong nagtatanong at lagi kong kino-consult lahat as in every detail kung anong gagawin ko. Para masigurado ko na komportable sila at maliban sa set. Off camera rin hindi ko pinaparamdam ‘yung bagay na uncomfortable like ‘yung being touchy. So as much as possible kailangan ko muna maramdaman na okay ba. ‘Yung mga bagay na gano’n, feeling ko naman naalagaan ko sila nang maayos,” paliwanag ni Wilbert.

Kasamahang bida ng aktor sa Boy Bastos sina Rose Van Ginkel, Jela Cuenca at Rob Guinto. Mapapanood ang naturang pelikula sa pamamagitan ng Vivamax.

Ayon sa dating miyembro ng Hashtags ay talagang napakaraming bagay ang sumasagi sa kanyang isipan sa tuwing gumagawa ng maiiinit na eksena. “Sa ilang days na nagsu-shoot kami, parehas kaming kinakabahan na hala may sex scene na. Oh my god, magpapakita ako ng mga kung anu-anong bagay. Makikita ng mga nanay at tatay ko ‘yung mga bagay-bagay. So parang gano’n ‘yung nasa isip ko. Pero wala akong regrets kasi alam ko na kailangan siya sa shots at essential siya,” kwento ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with