^

PSN Showbiz

Billy may mensahe Kina Vice at Ion matapos maisyuhan ng friendship over, career sa france bubuhayin!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Billy may mensahe Kina Vice at Ion matapos maisyuhan ng friendship over, career sa france bubuhayin!
Billy.

Ang saya ng bagong segment ng Lunch Out Loud ng Brightlight Productions na napapanood sa TV5, ang Maritest, na nagkaroon ng run-through kahapon.

Dedicated ito sa lahat ng mga Marites (mars ano ang latest) na talagang sumikat dahil sa mga latest chika.

Sa nasabing press visit nakausap namin ang isa sa mga main host ng programa, si Billy Crawford, na kagagaling lang sa Paris, France.

Kinumpirma ni Billy na may mga project siyang gagawin at bubuhayin ang singing career niya sa France kung saan sumikat siya 20 years ago.

Bukod sa recording doon, may concert din siyang gagawin before the year ends.

At happy si Billy na hanggang ngayon naalala pa siya ng fans sa Paris.

Bibili sana sila ng swab kit sa isang pharmacy dahil flight nila papuntang Dubai kinabukasan. Paglabas daw niya ng pharmacy, biglang may lumapit sa kanya : ‘‘You’re a singer, you’re Billy Crawford,” sabi raw sa kanya ng isang guy na tingin niya ay ka-age niya. Sagot niya “Yes...”

“I really thought you died and became a drug addict and disappeared,” dialogue raw ng lalaki.

Ano ang reaction mo? “Syem­pre natawa ‘di ba. No I’m alive, never touched drugs, I’m good. I have a kid now yes tapos sabi niya “I want to ask how is Amari (anak nila ni Coleen Garcia)?” tas ngayon biglang alam mo kung sinong anak ko pero patay ako. Itong mga ‘to, imbento rin. Mas maraming Marites doon,” sabay tawa ni Billy.

At may isa pa siyang naalala : “Pero nakakaloka talaga pero ang cute eh may isa pa dun nagpapa-swab ako, dun sa counter may isang ale ‘yung nag-aano sakin binigay ko ‘yung ID ko tapos pagtingin niya sa ID “it’s you?” “yes” “no,” “when I was a kid I used to watch you, I really loved you” tas may kasamang mas bata sa kanya na doon nagtatrabaho. “You know this guy?” No wala akong alam dyan sino ‘yan gumanun pa ‘yung isa. “It’s Billy Crawford, isa akong malaking throwback sa Paris tapos sabi nung maliit, sabi ko “where were you 20 years ago?” because my song came out 20 years ago. Sabi niya, “I was born 19 years ago” ‘di pa tao ah okay wala, ‘di mo ko kilala. Kaya nga ang cute e.”

Anong na-feel mo na throwback ka na talaga sa France?

“Nakakagulat dahil hindi ko aakalain na magiging isang malaking throwback ako. ‘Yung ‘pag ‘kilala ko yan’ ‘may nangyari sa kanya’ ‘nag-disappear ‘tong taong ‘to’ pero nakakataba ng puso na kilala pa rin ako, alam nila ‘yung kanta ko tapos lahat pati ‘yung ang dami pa ring nakakakilala... pero mas maraming nakakakilala kay Amari,” sagot nito na aminadong wala na siyang kahit anong bisyo ngayon dahil in love na in love sila ng misis niyang si Coleen Garcia sa only son nila.

So ilang baby ang plano nyo ni Coleen?

“Isa pa lang. ‘Pag nakaluwag-luwag pagkatapos ng trabaho, ‘pag makapag-ipon, ‘pag tapos na rin si Coleen na i-tackle ‘yung mga gusto niya sa career niya. Doon pa lang kami magpa-plan kasi mahirap talaga, si Coleen hands on. Kung sinabi kong hands on, hands on.”

Sinama niya sa shooting si Amari? Ilang days ’yun? Pahabol na tanong namin. “Totoo ‘yun. 13 days or 12 days. Bubble sila,” kaya hindi niya nakita ang mag-ina.

“Dito (LOL) hindi na kami bubble may ilang tao naman na pwedeng umuwi pero ‘yung staff, crew, bubble sila sa hotel kaya ang bait ni Cong. (Albee Benitez) ng Brightlight Productions,” pahayag nito na for the nth time ay itinanggi na matsutsugi na ang kanilang programa.

Samantala, may reaction ba siya sa kasal nina Vice Ganda at Ion Perez? “Ahh congrats. Hindi ako bitter na tao ‘di ba. If it’s unity ang ginagawa nila para magpakasal sila and kung kasal sila, congratulations ‘yun lang masasabi ko sa kanila and advice: kahit anong mangyari ipaglaban n’yo ang pagmamahal n’yo sa isa’t isa that’s all. Kasi maraming inggit maraming magta-try paghihiwalayin kayo. Demonyo ang mga tao so alalahanin nila na silang dalawa lang ang nasa relationship.”

May issue ng friendship over sina Billy and Vice dahil diumano’y hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa social media.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

LOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with