^

PSN Showbiz

Elisse at Mccoy, may pa-echos na hiwalayan para sa endorsement?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Elisse at Mccoy, may pa-echos na hiwalayan para sa endorsement?!
Elisse, Mccoy at Felize.

Maraming na-bother sa social media post ni Elisse Joson na “Akala ko ok na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip kung paano matitigil ang paghihirap namin ni baby. Ayoko na. Ano ba ang dapat kong gawin?”

Hawak niya ang baby nila ni McCoy de Leon na katatapos lang binyagan four days ago sa photo na ‘yun nga ang caption.

Hanggang nag-trend si Elisse sa Twitter at sob­rang nag-aalala ang netizens dahil parang the other day lang ay may unboxing din sila ng mga natanggap na regalo sa binyag ng daughter nilang si Felize.

After three hours may sagot si McCoy sa kanyang Facebook : Aniya “Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Bumaha ng encouraging messages sa pareho nilang post at may pa-hashtag pang #StayStrongMcLisse ang fans.

Lahat ay ganun ang paalala sa kanila na ‘wag bibitiw.

Pero may duda ang iba na gimik as in charot lang para sa kanilang endorsement ng diaper.

Kaya raw ‘wag paapekto ang fans dahil ‘budol’ ito.

Well, kung totoo ang duda ng fans, hindi na bago ang ganitong style sa pagpo-promote ng mga endorsement ng ibang celeb na pa-click bait para magkaroon ng awareness ang fans.

 

 

vuukle comment

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with