^

PSN Showbiz

Carlo, nag-a-apply na troll!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Carlo, nag-a-apply na troll!
Carlo.

Natawa naman kami sa post ni Carlo Aquino. Sabi niya “papaano ba makakapag-apply na maging troll o hater? Mukhang malaki ang bigayan eh.”

May patama ang actor sa kanyang mga troll.

Malaking kalokohan namang isipin mo magto-troll si Carlo.

Pero talagang grabe nga naman ang mga tinatawag na troll.

Kumikita diumano ang mga ‘yan hindi dahil sa legal na pagmo-monetize ng kanilang account.

May mga kliyente iyan na kailangan nilang purihin kahit na hindi dapat, at may quota iyan kung ilang ulit nilang dapat na purihin ang kanilang kliyente.

Kasabay noon kailangang siraan naman nila ang kalaban ng kanilang kliyente, at may bilang din kung ilang ulit nilang dapat gawin iyon.

Hindi lang sa showbiz may trolls, mas malala pa nga sa pulitika eh. Ngayon nga nalaos ang trolls sa showbiz dahil sa laki ng lagayan sa pulitika.

Kaya nga kami, hindi kami umaasa sa social media para sa balita. Ang binabasa namin iyong mga lehitimong diyaryo.

Tama si Carlo. Malaki bigayan diyan eh.

Tom, walang pake sa mga malisya!

Para sa akin lang ha, hindi na namin nagugustuhan ang mga pinakakalat na tsismis tungkol kay Tom Rodriguez.

Simula noong sinasabing hindi na sila nagkakasundo ng asawang si Carla Abellana, kung anu-anong ispekulasyon na ang kumakalat. Ang unang bintang nila ay may ibang babae raw na pinakialaman ni Tom at nabuntis. Iyon daw ang dahilan ng hiwalayan, hindi naman pala totoo.

May sinasabi namang dahilan ay iyon daw gender preference ni Tom, na lalo namang walang basehan.

Palagay namin, naisip lang naman nila iyan dahil sa seryeng ginawa noong araw ni Tom na kasama si Dennis Trillo. Sumikat at naging kontrobersiyal ang seryeng iyan noon araw, na sinasabing ang popularidad ay siya namang batayan ng mga gumawa ng gay indie films na ipinalalabas sa internet.

Ngayon meron ding issue sa pulitika matapos ngang pasukin ni Tom ang partylist pero hindi nakasama sa final list ng COMELEC.

Iyan ang masamang epekto ng mga tsismis sa social media, na lalo pang pinalala ng dalawang taong lockdown.

Maganda naman ang attitude ni Tom na hindi na lang sila pinapansin.

Bakit nga ba niya kukunsumihin ang sarili niya sa ganyang mga bagay.

Male star, buking sa raket sa ‘Tito’

“Sige, Tito, dadalawin kita mamaya sa condo mo. Puwede na siguro ang 10K sa akin,” ang nakakagulat na message na natanggap namin mula sa isang male star.

Pero bago pa man kami makapag-isip kung ano iyon, my kasunod siyang message agad, “ay sorry po wrong send.”

Ang sinasabi niyang dadalawin niya sa condo ay tinawag niyang “tito,” ibig sabihin lalaki. Puwede ring bading. Para sa kanyang “pagdalaw” sinabi niyang “puwede na siguro ang 10K sa akin.” Bakit naman siya babayaran ng P10K kung dadalaw lang siya? Tiyak may ibang kahulugan ang “dalaw.”

Hindi iyan sinasadya. Siya ang nagkamali sa pagse-send eh. Nabuko tuloy namin ang kanyang sideline.

 

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with