^

PSN Showbiz

Andrea, nakapag-recharge!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Andrea, nakapag-recharge!
Andrea
STAR/ File

Ready na raw magtrabaho na ulit si Andrea Torres dahil nakapag-recharge na siya pagkatapos ng dalawang buwang bakasyon sa US.
Unforgettable nga raw ang bakasyon ni Andrea dahil marami siyang napuntahan at nakapag-relax siya pagkatapos nang mahabang lock-in taping noon para sa Legal Wives.

“After matapos na ‘yung lock-in taping ng Legal Wives, nag-shoot naman ako ng movie sa Argentina titled Pasional. After no’n, imbes na umuwi ako agad, nag-side trip na ako sa US. Ayon tumagal ng two months. Sinulit ko ‘yung bakasyon. Deserve ko naman dahil wala rin akong naging pahi­nga last year.”
Habang naghihintay ng bagong project si Andrea, nagpapasalamat ito sa mga tumatangkilik ng 2014 teleserye niya na Lihim Ni Annasandra. Kahit na raw seven years ago pa ‘yung teleserye, isa ito sa Top 10 shows ng GMA 7 ngayong taon.

Kuya Kim at Geneva, inaalala ang nakaraan

Sa programang Mars Pa More, inamin ni Kuya Kim Atienza na meron silang nakaraan ni Geneva Cruz.
Sinagot lang ni Kuya Kim ang tanong sa segment ng show na On The Spot. Ang tanong ay: “Sabi ko na nga ba, dapat inamin kong may feelings ako noon para kay ----, naging kami sana.”
Mabilis na sagot ni Kuya Kim: “May feelings ako Geneva dati.”
Noon ‘90s pa raw magkaibigan sina Kuya Kim at Geneva. Madalas daw silang nagkakasama, pero hindi raw alam ni Geneva na may nararamdaman sa kanya noon si Kuya Kim.
Sey ni Geneva: “Hindi ko talaga alam. Actually pinagselosan si Kim ng dalawang ex ko!”
Dahil sa pagkaka-link noon sa dalawa, nagkaroon daw ng issue at muntik na raw mauwi sa isang gulo. Pero hindi na ito dinetalye ni Kuya Kim at Geneva dahil matagal na raw nangyari iyon at may kanya-kanya na silang pamilya.

Amanda Bynes, gusto na ring hawakan ang kanyang pera

Nag-file na rin para ma-terminate ang kanyang conservatorship ang former Hollywood teen star na si Amanda Bynes.
Nine years daw na nasakop ang ngayo’y 35-year old actress sa conservatorship of her person and estate. Nag-file na siya ng petition sa California’s Ventura County Superior Court para ma-terminate na ito. Sa March 22 ang hearing para sa petition ng aktres.
Ayon sa Page Six: “Amanda Bynes also filed a capacity declaration, which is a requirement in California for all conservatorship cases, meaning there must be updated records about Bynes’ mental state from either a physician, psychologist or religious healing practitioner.”
Kinumpirma ng lawyer ng aktres na si David A. Esquibias ang tungkol sa petition.

Nilagay sa isang conservatorship si Amada noong 2013 ng kanyang inang si Lynn Bynes para makontrol ang legal finances nito na kailangan para sa personal at medical needs ng aktres na nag-suffer ng mental breakdown sa edad na 27.
Ilang beses na inaresto si Amanda at nilagay pa sa isang involuntary psychiatric hold. Inamin ng aktres na she was under the influence of drugs at na-diagnose siya with bipolar disorder.

Ngayon ay mas maayos na ang buhay ng aktres dahil may sarili na itong bahay na malapit sa beach at makukuha na niya ang kanyang bachelor’s degree mula sa Fashion Institute of Design and Merchandising, and she is working on her clothing line and was engaged to Paul Michael.
Sumikat bilang teen star sa TV at pelikula si Amanda from 1996 hanggang 2010. Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay What A Girl Wants, Love Wrecked, She’s The Man, Big Fat Liar, Sydney White at Hairspray.

vuukle comment

ANDREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with