^

PSN Showbiz

Maricel, hindi marunong magpa-star!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

T Tahimik naman si Marya sa lahat ng bagay. Nakuha na pala siya sa isang pelikula sa abroad, siya ang talagang first choice, at ang pagkakakuha sa kanya ay announced sa Variety na itinuturing na film bible sa Hollywood ay hindi pinag ingay. Hindi gaya ng iba na nagbubuhat lang ng bangko at “feeling important pa rin.” Natutuhan din naman kasi niya ang buhay sa show business at buhay ng isang tunay na aktres.

Iyon ang sinasabi nilang mala­king kaibahan. Si Maricel ay isang aktres, hindi siya “star lang.” Ang mga star, iyan ang la­ging naghahabol upang mapag-usapan, ‘yung gustong lagi sila sa center of the limelight, na para bang mamamatay na sila kung wala na iyon. Kaya ginagawa nila kahit na ano, kahit na wala na sa ayos
mapansin lang.

Ang mga tunay na aktres kagaya ni Maricel, walang pakialam sa limelight. Maaari silang manahimik sa kanilang buhay dahil alam nila na oras na lumabas silang muli ay maipapakita nila ang kanilang kakayahan at tiyak na hahabulin pa rin sila ng fans.

May isang bagay pang kapansin-pansin, sinasabi ng mga observer na napupuna nila ang mas malaking audience share ng kanyang mga lumang pelikula na inilalabas pa rin sa mga cable channel kahit na kung minsan ay madaling araw na sinusubaybayan nga ng kanyang fans.

Ang tanong bakit nga ba hindi magawa iyan ng iba? Ang sagot, siguro nga ay simple lang naman. Kulang sila sa self confidence dahil siguro alam nila na “star” lang sila, at alam din nila kung papaano sila ginawa o naging star. Kung bumababa na ang kanilang popularidad, sinisikap nilang mapanatili iyon sa pamamagitan ng pagpapa-star. Malaki talaga ang kaibahan ng mga tunay na aktres. Mahahalata mo naman, hindi sila naghahabol ng projects. Sila ang hinahabol ng projects.

Pelikulang kabaklaan noon, may kalidad

Nagising kami nang madaling araw na ang palabas sa cable channel ay ang restored copy ng 1971 film ni Lino Brocka, ang Tubog sa Ginto. Batay iyon sa isang nobela ni Mars Ravelo na serialized sa Tagalog Klasiks. Iyon din ang kauna-unahang pelikula na tumalakay sa kabaklaan, na noon ay hindi halos pinag-uusapan.

At matindi ang cast na binubuo nina Lolita Rodriguez, Eddie Garcia, Hilda Koronel, Jay Ilagan at Luis Gonzales. Ginawa iyan ng isang major film company noong araw, ang Lea Productions ni Mrs. Emilia Blas, na kilala sa paggawa ng mga pelikulang may kalidad.

Kahit na inaantok pa kami ay pinanood namin hanggang katapusan ang pelikula. Nang matapos iyon, nakadama kami ng labis na panghihinayang. Ano nga ba ang nangyari sa industriya ng pelikulang Pilipino? Bakit noon ay gumagawa tayo ng pelikula na ang unang iniisip ay magandang istorya, mahuhusay na mga artista at ang mataas na kalidad ng paggawa ng pelikula? Bakit ngayon ang ginagawang pelikula ay puro kahalayan?

Bakit noon, pilit nating itinataas ang kalidad ng pelikula para mahikayat ang mas maraming taong manood ng pelikula natin kaysa sa mga dayuhan, pero ngayon itinataas natin ang ating mga kamay pati na paa sa pagsuko sa mga Koreano, at para mag-survive gumagawa na lang tayo ng mga pelikulang mas mahalay na inilalabas sa internet kung saan hindi pa iyon naaabot ng classification ng MTRCB? Ano nga ba ang utak ng mga gumagawa ng mga pelikula sa ngayon?

Sexy star handang pumatol sa DOM

“Kung may liligaw sa aking mayaman talaga. Kahit na DOM na, sasama ako,” sabi ng isang female star. Hindi naman kataka-taka dahil ganoon ang nakita niyang parang normal na kalakaran sa kanilang pamilya. Ibig ding sabihin noon, iiwanan din naman pala niya ang kanyang boyfriend na inagaw lang sa isa pang aktres.

“Sa totoo lang gusto ko rin namang maranasan iyong marami akong pera at kaya kong ipamigay na lang iyon,” sabi pa raw niyang natatawa sa isang co-star sa pelikulang ginagawa.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with