^

PSN Showbiz

Dingdong, kumpirmado na sa Family Feud?!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Kayod muli sa bagong trabaho si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes! This time, ang galing sa hosting skills ang ipamamalas niya sa bagong show.

Yes, may bagong show si Dong sa GMA. Ipinasilip na niya sa kanyang Instagram ang black and white photos ng taping niya sa GMA Studios.

Kalat na si Dingdong ang host ng well-loved game show na Family Feud.

Natuwa naman ang kanyang followers sa bagong show ni Dong. Ang wish naman ng iba eh makita na soon sa TV ang asawa niyang si Marian Rivera bukod sa hinu-host nitong weekly show na Tadhana.

Eh kahit sa Tadhana lamang napapanood si Yan, tuloy pa rin ang business niyang Flora Vida by Ma­rian at dating ng endorsements niya!

Wish ng followers nila ni Dong, makasali sina Marian at malapit na pamil­ya sa isang episode ng Family Feud.

Pokwang, nagpahayag ng suporta kay Atty. Chel

Dumagdag ang komedyanteng si Pokwang sa pangalan ng humahabang artistang sumusuporta sa kandidatura ng human rights lawyer senato­riable na si Atty. Chel Diokno.

Sa tweet ni Pokwang nu’ng Martes, sabi niya, “Dios mio panginoong mahabagin!! Mag @cheldiokno na lang ako. Kaloka, sabi nga ni gary v di na natuto.”

Bilang tugon, nagkomento si Diokno ng, “naku po, chel ka na lang @pokwang. Maraming-maraming salamat sa iyong suporta.”

Ipinaabot naman ni Pokie na isa siyang tagahanga ni Diokno na sinagot naman ng human rights lawyer na, “I’m also a big fan of yours! My son Pepe speaks so highly of you.’ Anak ni Diokno ang award winning director na si Pepe Diokno.

“Ahhhh I love him! Napakabuting tao. Maganda pagpapalaki ninyo kay @pepediokno,” tugon naman ni Pokwang.

Ilan sa mga artistang suportado si Diokno ay sina Vice Ganda, Heart Evangelista, Cherry Pie Picache, Nikko Valdez at Agot Isidro.

Of course, ang pagsulong ng Free Legal Helpdesk sa mga simpleng tao at paigtingin ang barangay justice system sa bansa ang ilan sa plano niya kung sakaling mahalal.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with