^

PSN Showbiz

LOL, itinangging matetegi!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nagugulat ang mga taga-Lunch Out Loud sa kumakalat na balitang hanggang end of February na lang daw ang kanilang programa.

Ilang beses na rin naman napapabalitang matetegi na ang naturang noontime show ng Brightlight Productions sa TV5, pero nandiyan pa rin at tuluy-tuloy pa rin sila.

Text nga sa amin ni Ms. Pat-P Daza ng Brightlight Productions. “No truth to the rumors. We’re taping next week and we’re launching new segments.”

Sandali nga naming nakatsikahan sina Bayani Agbayani at direk Bobet Vidanes sa nakaraang birthday dinner ni Sen. Jinggoy Estrada, malapit na raw nilang simulan ang mga bagong segments, at excited sila dahil alam nilang swak ito sa mga host.

May ilang taga-LOL din kaming nakaka-text at nagtataka sila bakit ayaw daw silang tantanan ng ganung balita.

Kahit nga ang ibang hosts na napagtanungan naming ay wala ring alam sa ganung balita, dahil may schedule naman daw sila ng taping.

“Hindi po totoo yan. Ang sabi po sa amin ni Mr. Albee Benitez tuluy-tuloy ang show namin na Lunch Out Loud. Marami kaming ads, commercials and intrusion sa show.”

Pangalawa pa din kami sa Eat Bulaga sa rating ng mga noontime shows.

“Marami lang po talagang nagpapakalat ng ganyang news na atat na atat sa time slot namin. At mga walang puso na may kagustuhang mawalan ng trabaho ang mga kapwa nila sa industriya na ang tanging hangad lamang ay magtrabaho para sa mga mahal nilang pamilya,” text ni Bayani.

Dagdag pang hanash sa akin ni Bayani; “Last year pa po yan. Sabi, three months lang daw itatagal ng Lunch Out Loud, eh kaso mo po magdadalawang taon na kami hahaha!

“Sa tulong po ng mga taong nagpapasaya at natutulu­ngan namin, tuluy-tuloy pa rin ang Lunch Out Loud. Thank you Lord (praying emoji).

“Kung sino man po ang nagpapakalat niyan, Diyos na bahala sa inyo (hearts emoji).”

Mga pelikulang mapangahas, ina­apelang bantayan na

Medyo mainit ang mata ng ilan sa Vivamax na mapangahas magpalabas ng mga daring at matatapang na pelikula.

Hindi lang naman sa Vivamax, dahil may iba ring streaming services na may ganun ding content.

Kaya iyun nga ang isa sa napag-usapan uli namin ni dating MTRCB Chairperson Rachel Arenas na dapat ay bantayan din ng naturang ahensya ang streaming apps.

Nung itinatag kasi ang MTRCB ay wala pa namang digital noon, pero nilinaw sa amin ng dating MTRCB Chairperson na lahat na medium ay sakop ng naturang ahensya.

Kaya sa mga streaming service na kung saan ay madaling buksan ng mga kabataan, dapat ay akma raw sa mga kabataang ito ang napapanood nila at kailangan talaga ng parental control.

‘Yun nga ang lagi naming sinasabi sa MTRCB na there are some shows that are real­ly not age-appropriate.

“Para sa amin, ‘yun naman talaga ang binabantayan naming. Kasi, there are some shows that they (children or teenagers) won’t be able to understand.

“And kung wala talagang mag-eksplika, dahil napapanood nila, dala-dala na nila iyun. Paniniwala na nila iyun hanggang paglaki nila,” pahayag ni Madam Rachel Arenas nang nakatsikahan namin sa Pangasinan nung nakaraang Linggo.

Nilinaw naman niyang aaksyon lang ang MTRCB kung may magrereklamo sa mga napapanood sa streaming apps na ito. Tho, ang dami na raw talagang nakakarating na reklamo sa kanilang tanggapan.

Kaya dapat daw talagang may say ang MTRCB sa mga napapanood sa ganitong streaming platforms.

“It has to have a balance, ‘di ba? Na may magre-regulate, pero at the same time, acceptable din sa mga stakeholders yung how we will all regulate.

“Dahil they have to also self-regulate eventually,” dagdag niyang pahayag.

Nung October 2021 pa nag-resign si Arenas sa MTRCB dahil sa nag-file siya ng kanyang kandidatura bilang Representative ng District 3 ng Pangasinan kaya doon muna siya namamalagi.

vuukle comment

LOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with