^

PSN Showbiz

Ellen, may kapalit na!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Ang bulungan ngayon, in love ulit si John Lloyd Cruz. Matagal nang usapang iyan, pero ngayon umingay na naman dahil sa mga social media posting na tila isang bakasyon sa beach kasama ang three years old na anak ni John Lloyd na si Elias, at ang sinasabing girlfriend niya na sinasabing artist na si Isabel Santos.

Matagal na raw magkakilala ang dalawa, nag-meet diumano sa isang art exhibit kung saan sila parehong kasali noon pang 2017, pero noong nakaraang taon lang nagsimula ang bulungan tungkol sa kanila.

Kilalang artist si Isabel hanggang sa abroad. Si Isabel ay apo ng national artist na si Malang.

Bukod sa kanyang pagiging isang professional painter, mukhang masyadong pribado ang buhay ni Isabel, at kung totoo nga ang usapan, tiyak na mabibigla siya sa atensyon mula sa fans ng actor.

Wala naman siyang sabit. Ang naka-live in niya at nanay ng kanyang anak na si Ellen Adarna ay nag-asawa na rin naman. Pinakasalan ito ni Derek Ramsay, na alam na nating lahat nauna nang ikinasal kay Mary Christine Jolly.

Kung iisipin mo walang problema at walang issue kung totoo ngang in love sila.

Sharon, inamin ang nakaraan

Inamin naman ni Sharon Cuneta na na­ging boyfriend nga niya noon ang yumaong congressman ng Tarlac na si Charlie Cojuangco. Noon ngang Lunes yumao ang congressman, bagama’t wala pang sinasabing dahilan ng kanyang kamatayan, matatandaang siya ay nagkaroon ng aneurysm noong nakaraang taon.

Si Congressman Charlie ay naging asawa ng television host at aktres na si Rio Diaz, na pumanaw naman dahil sa colon cancer noong 2004.

Si Congressman Charlie ay naaksidente rin sa isang car racing event sa Batangas noong nakaraang taon at bagama’t sinasabing ang ininda niya ay ang sakit ng balikat pagkatapos ng aksidente, may mga naniniwalang nagkaroon pa siya ng ibang injury.

Noong nakaraang taon din nagpakasal si congressman sa kanyang asawa sa ngayon na si China Jocson.

Dating kontrobersyal na dancer, nakikipag-vc ‘pag gipit

“Nakikipag-chat din siya sa internet, at kung matiyempuhan mong kailangan niya ng pera, pumapayag siyang makipag-video call kung papadalhan mo siya ng pera sa pamamagitan ng card cash transfer,” sabi ng aming source tungkol sa isang poging dancer na nasangkot noong araw sa isang malaking controversy.

Malamang iyon ang dahilan kung bakit may kumalat na naman siyang bagong sex video, “Bagama’t mas maikli kaysa sa una niyang ginawa,” sabi pa ng source. Kasi kung nakikipag-video call ka, may paraan para iyan ay mai-record, at ang ginawa para hindi buking kung sino ang kanyang ka-video call, tinakpan din ng picture niya ang bahaging iyon ng screen.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with