^

PSN Showbiz

KD at Alexa, magpapakilig sa kanilang “Closer” fancon

Pilipino Star Ngayon
KD at Alexa, magpapakilig sa kanilang �Closer� fancon
KD at Alexa
STAR/ File

Handa na ang most promising love team na kinabibila­ngan nina Alexa Ilacad at KD Estrada na makasama at mapaligaya ang kanilang fans sa  Closer: The KDLex FanCon na mapapanood na ngayong Sabado (Feb. 26), 8 p.m. sa KTX.ph at SKY Pay-Per-View.

Mula sa kanilang pagkakaibigang nabuo sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition, maghahatid ang KDLex ng kilig, musika, at saya sa inaabangang fan convention na handog ng ABS-CBN Events at Kumu.

Para kay Alexa, raw at mala-acoustic session ang magaganap na event. “Kakantahin namin ang songs na ginawa namin sa loob ng PBB house, songs we know our sweethearts love so much,” ani Alexa. “We want our concert to be as raw as possible kasi minahal kami ng tao dahil sa reality show, nakita nila kung sino talaga kami. Gusto namin na maging super comfortable at laidback ang show na mala-jamming session.”

Bukod sa kanilang mga pinaghandaang song numbers, marami pang dapat abangan sa eksklusibong event na gaganapin kasabay ng kaarawan ni Alexa. Ani KD, “There are gonna be some surprises talaga.”

Si Robi Domingo ang magsisilbing host ng fancon at makakasama rin dito ang dating housemate ng KDLex na si Shanaia Gomez bilang special guest.

Mabibili pa rin ang regular tickets para sa Closer sa ktx.ph sa halagang P199 habang sold out agad sa loob ng isang oras mula release ang SVIP at VIP tickets para dito. Pwede ring mapanood ang event sa SKY Pay-Per-View.

Noong Biyernes, nagsanib-pwersa ang KDLex para sa dalawang bagong kanta na Misteryo at When I See You Again mula sa Star Pop label ng ABS-CBN. Si Alexa mismo ang sumulat ng Misteryo na may karagdagang lyrics mula kay Eunice Jorge na siyang nag-areglo at nagprodyus ng awitin.

Sina Alexa at KD naman ang sumulat ng When I See You Again na prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

vuukle comment

KTX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with