^

PSN Showbiz

Erich ikakasal na sa karelasyong ang pamilya ay isa sa pinakamayaman sa Pilipinas!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Erich ikakasal na sa karelasyong ang pamilya ay isa sa pinakamayaman sa Pilipinas!
Erich
STAR/ File

Ikakasal na diumano si Erich Gonzales sa kanyang boyfriend na mula sa maya­mang pamilya, si Mateo Lorenzo.

Ito ay base sa ‘marriage banns’ na nasa billboard ng Saint James the Great Parish sa Ayala Alabang na kumalat the other night.

Ang petsa na nakalagay sa marriage banns, ikakasal sila sa Marso 23, 2022.

Walang sinasabi si Erich tungkol sa nasabing kasalan kahit sa kanyang social media account or maging sa relasyon nila ni Mr. Lorenzo.

Maaalalang noong 2019 ay nabanggit ng isang source na iniwan nito sandali si Erich dahil nag-master ang mapapangasawa raw ng aktres sa The Wharton School of the University of Pennsylvania at the following year napabalitang engaged na sila.

Low key ang relasyon ni Erich sa BF na galing sa mayamang pamilya na very conservative at Opus Dei raw ang mga magulang.

Noon pa lang ay sinabi na ng source na malamang ngang humantong sa kasalan ang relasyon ni Erich sa young businessman.

Ma-showbiz si source kaya updated siya sa mga issue sa actress na laging naba-blind item na diumano’y nagiging demanding na kahit sa mga tinatanggap na trabaho at katatapos lang sa teleseryeng La Vida Lena.

Maaalalang si Mr. Mateo ang sinasabing producer ng pelikula ni Erich noon We Will Not Die Tonight, isa sa entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na idinirek ni Richard Somes na sadly ay sumemplang sa takilya.

Ito rin ang napabalita noon na dumadalaw kay Erich na naka-private plane na binanggit ni Kris Aquino at sinasabi ngang isa richest in the Philippines ang pamilya nito.

Anyway, sa marriage banns din nabuko ang kasal nina Tom Rodriguez and Carla Abellana pero ngayon nga ay sinasabing hiwalay na.

Abby, na-hack!

Na-hacked din pala ang account ni Abby Viduya pero na-recover na raw niya.

Parang maraming napadalhan ng message ang nasabing hacked account ni Abby kaya naman naglabas siya ng warning dahil pera ang hinihingi ng hacker at in US dollars.

Post ni Abby : “ Warning - My account was hacked! So if you got a message from me last night please disregard it. This was posted on my account last night. So if anyone sends you a message asking for help to authenticate their identity to log in to their account please don’t do it.

“These hackers use a friend on your list and friend request you with a new account. Then they ask for help to log in on a new device and they will send you a link and if you click on it your hacked. Please be careful. Thank God I finally got my account back,” post ng karelasyon ni Jomari Yllana.

Samantala, hindi na lumaki ang issue sa magkapatid na Anjo Yllana at Jomari na may kinalaman sa pera.

Diumano’y may ilang nag-advise na sa kanila na tantanan na ang paglalantad nila sa social media ng mga problema nila dahil mas nakakahiya.

Si Anjo ang unang nag-ingay sa social media pero hindi nagsalita si Jomari.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with