Marian, love na love na ni Urvashi
“Love u both,” comment ni Urvashi Rautela sa post ni Marian Rivera sa photo nila ni Dingdong Dantes habang nasa Itogon, Benguet.
Nanatili ang friendship nila after ng Miss Universe sa Israel kung saan pareho ngang naging member ng selection committee sina Marian and Urvashi na isang sikat na actress, influencer and model sa India, tulad ni Marian.
Instant ang naging bonding nina Marian and Urvashi last December sa Israel and since then, madalas silang mag-comment sa kani-kanilang social media account.
Nauna nang nabanggit ni Marian sa isang interview na sa sobrang closeness nila, gustong makarating ng Pilipinas ni Urvashi. At ang promise ni Marian, matapos lang ang mga pinagdaraanan nating pandemic at mas madali nang mag-travel, gusto rin nilang makarating ng India ni Dingdong.
- Latest