^

PSN Showbiz

Barbie, naramdamang wala nang maiambag sa growth ni Diego!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Barbie, naramdamang wala nang maiambag sa growth ni Diego!
Barbie at Diego
STAR/ File

Kaya nakipaghiwalay

Kamakailan ay inamin ni Barbie Imperial na nagkahiwalay na sila ni Diego Loyzaga. Tumagal lamang ng isang taon ang relasyon ng dating magkasintahan.

Para sa aktres ay hindi na kinakailangang patagalin pa ang isang relasyon kung nararamdaman mong hindi na para sa iyo ang isang tao. “Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But I feel like the other person is not gro­wing with me. That’s the time to say goodbye na talaga. Kasi para saan pa ako magse-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo,” makahulugang pahayag ni Barbie.

Nakailang nobyo na rin ang aktres at siya raw kadalasan ang nakiki­paghiwalay sa lalaki. “Based on experience, ako rin ang naggu-goodbye. Some hindi pero no’ng nag-grow na ako, na-realize ko na maganda rin pala na naggu-goodbye ka nang maayos kahit gaano pa kasakit. Kasi pumasok ka sa relas­yon pinaalam mo eh. So alis ka, ipaalam mo rin. May mga umaalis din na ginagawa nila ‘yung tama. May mga umaalis na napagod. May mga umaalis na niloko. So for me, siguro sa hindi na lang mas masakit na pag-alis. ‘Yung ‘pag umalis ka dahil mahal mo na ‘yung sarili mo,” paglalahad ng dalaga.

Mayroon ding payo si Barbie para sa lahat ng mga taong nagmamahal at minsan naman ay nasasaktan. “I-take mo lang ‘yung lahat ng time para mag-heal. Hindi mo kailangang madaliin and ‘pag na-feel mo na ready ka na bumangon, ituluy-tuloy mo lang. ‘Yung healing naman kasi hindi siya tuluy-tuloy. May mga days pa rin na paakyat ka na, bababa then tataas. You just have to remember that this is life eh. We get hurt but we learn from it. So do’n sa experience na ‘yon may makukuha tayo. So okay lang na masaktan, tao ka lang naman,” pagtatapos ng aktres.

Rico at Maris, walang valentine’s date

Nagsimula ang relasyon nina Maris Racal at Rico Blanco bago pa man magkaroon ng pan­demya sa bansa.

Ayon kay Rico ay nagbago na ang kanyang pananaw pagdating sa pagbabahagi sa social media ng tungkol sa kanila ng aktres. “Iba rin kasi ‘yung vibe ni Maris. She makes fun of herself which is kind of like my language also. Mas masungit lang ako ng konti. Masungit ‘yung humor ko ng konti sa social media. Alam kasi ng fans ko na lambing ko ‘yon sa kanila. When I trash talk with them, I’m leveling na parang I’m not different from you guys. Like mag-asaran tayo dito. And she has the same vibe,” paliwanag ni Rico.

Paano kaya ipagdiriwang ng magkasintahan ang Araw ng mga Puso bukas? “Alam natin sa industry natin wala tayong Valentine’s, wala tayong Christmas and New Year. Kasi tayo ‘yung nagpapasaya ng ibang tao. So one of the advantages of being a showbiz couple I guess is that you both understand. It’s harder to be in a relationship with someone who is in a different field. May disadvantages din but that’s one of the advantages,” pahayag ng binata.

(Reports from JCC)

vuukle comment

MARIS

RICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with