^

PSN Showbiz

Karina, tumodo sa MMK

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Karina, tumodo sa MMK
Karina
STAR/ File

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magbibida si Karina Bautista at Aljon Mendoza sa Maalaala Mo Kaya na mapapanood sa Feb. 26. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng aktres ngayon dahil sa pagiging bida sa naturang drama anthology. “This is my very first MMK ever so I’m very excited. At the same time kinakabahan ako. Kasi nando’n ‘yung kagustuhan ko na maging maganda talaga ‘yung resulta ng gagawin ko. Nando’n naman ‘yung tiwala ko sa aking directors, co-actors and my motivation is that this is a story of a real life person,” nakangiting pahayag ni Karina.

Para sa aktres ay talagang kaabang-abang ang episode na ito ng MMK dahil sa magandang kwento nito. Ayon kay Karina ay malaki rin ang pagkakapareho nila ng kanyang karakter bilang si Theza.”Si Theza ang asawa ni John pero bago pa, ako ay isang working student. Nagtatrabaho sa fast food chain and I am from a poverty stricken family kaya ako sobrang sipag. My mom is suffering from post-partum depression and we are a very big family. That is why kung magtrabaho ako dito nagmamadali and parang laging may hinahabol. Apparently ‘yung personality ni Theza dito is almost the same as me when it comes to life. Siyempre different circumstances sa ibang aspects in life,” pagbabahagi ng dalaga.

Malaking tulong umano para kay Karina ang pagkakabilang niya sa Viral Scandal upang mas magawa nang maayos ang drama scenes sa MMK. Talagang itinodo na raw ng dalaga ang pag-arte para sa special episode na ito. “Viral Scandal was a big help to me. Pero ang pinagkaiba lang talaga, VS kasi is a teleserye so parang I get to learn more and more kapag mas nagpo-progress ‘yung show. Dito kasi mas konti ang taping days and it’s just one MMK episode. So kailangang ibigay ko na within that span of time. Kung hindi, wala na, there’s no more chance na bawiin,” paliwanag ng aktres.

Elisse at Joshua, walang ilangan

Ngayong Valentine’s Day ay magkakaroon ng selebrasyon sina Elisse Joson at McCoy de Leon. Ayon sa aktres ay palagi raw palihim nilang pinagpaplanuhan ng kasintahan kung paano ipagdiriwang ang Araw ng mga Puso. “Siyempe I feel like meron akong sariling way to make him feel special and sana siya din meron. I can’t share much because what we do for Valentine’s is we don’t real­ly plan it na alam namin pareho. We have our own secret planning. I look forward to spending time with him lang. Kahit ano naman ang maplano namin, I just really look forward to the time together. Kasi iba pa rin ‘yung kayong dalawa now that we have a kid,” pagbabahagi ni Elisse.

Sa Feb. 14 din ay mapapanood na sa iWantTFC ang The Legally Blind episode ng The Goodbye Girl na pinagbibidahan ng aktres at Joshua Colet. Kahit ngayon lamang nagkatrabaho ang dalawa ay matagal na raw kilala ni Elisse ang aktor kaya hindi na sila nagkailangan sa set. “Matagal na kaming magkakilala ni Joshua. When we were starting, magkasama na kami sa workshops and all. And then ngayon nga lang kami nagkatrabaho which is nice. Kasi since matagal na nga kami magkakilala, madami lang ang naging flow. Nagkamustahan kami, sa set there was no kapaan. Lahat kasi ng nando’n sa set, everybody was so maalaga and friendly,” kwento ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

IWANTTFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with