^

PSN Showbiz

Aljur, kailangang lunukin ang pride

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Ang kapatid ni Aljur Abrenica na si Vin na nagsimula sa TV5 at binigyan ng todo build-up sa pag-asa nila noon na makakahabol kahit papaano sa popularidad ng kanyang kapatid, ay napapanood na sa GMA 7 shows. Tumalon iyan sa ABS-CBN, sa pag-asa niya na maibi-build up siya. Eh nasara, ngayon tumalon naman siya sa GMA.

Si Aljur, mula sa GMA, tumalon din sa ABS-CBN sa pag-asang totoo nga ang sinasabi sa kanya noon na mas sisikat siya sa bakuran sa Madre Ignacia. Eh nawala nga rin, lalo siyang nabakante.

Bakit nga hindi na lang magbalik si Aljur ngayon sa GMA?

Pero tiyak  mahihirapan siya sa dating network na idinemanda pa niya noon dahil sinabi niya na “kung anu-anong project” lang ang ibinibigay sa kanya. Pero kung kinuha nga ang kapatid niya na hindi naman sumikat na gaya niya, imposible bang kunin din siya?

Mas mabuti na lunukin niya ang pride niya kaysa sa wala siyang ginagawa kundi mag-live sa internet.

Ate Vi, ‘di na priority ang TV offer

Kung si Ate Vi (Vilma Santos) ba ang tatanungin, maaari ba siyang gumawa ng TV show sa isang bagong network?

“Wala pa tayong plano riyan. Ang tingin ko kasi kailangang pag-aralan muna kung ano talaga ang magiging takbo ng television industry, dahil magiging malaki ang pagbabago pagkatapos na mag-migrate ang television broadcast sa digital, na inaasahan natin by next year,” umpisa ng sagot niya.

“Isa pa, may nagsasabing naaagaw na raw ng live streaming ang audience ng TV. Isipin ninyo, sa ngayon ang simpleng blog, milyon ang nagi­ging views, kasi nga puwede mong pa­noorin kung kailan mo gusto, hindi gaya sa TV na hahabulin mo ang kanilang schedule. Kailangan pag-aralan muna natin iyong pagbabago. Sa tingin ko pare-pareho lang iyan kung dati o bago ang network. Pagsisimula ng digital, lahat sila bago,” sabi pa ni Ate Vi.

Does that mean hindi niya sineryoso ang TV offers sa kanya noon? “I took them seriously pero hindi ko talaga hinarap muna dahil sa rami ng trabaho ko at that time. Ang idea ko kasi noon, pagbalik ko sa TV, talk show iyon na hindi lang entertainment pero public service din. Pero iniisip ko, ano ba ang hahanapin sa akin ng mga tao kung babalik ako sa TV? Tiyak hahanapin nila iyong gaya ng Vilma.

“I’ll have to be honest, hindi na yata ako bagay gumawa nang ganoon sa ngayon. Kung natatandaan ninyo, kaya tumigil ako noon ay dahil sinabi ng doctor ko, kung hindi ako titigil ng kasasayaw nang ganoon, mahihirapan na akong magkaanak. Eh gusto ko pang magkaanak. Kung itinuloy ko iyon, baka wala si Ryan Christian ngayon. Pagsisisihan ko nang malaki iyan. Nakita mo naman kung anong klase ang anak ko.

“After 25 years of absence, kaya ko pa bang gawin ang dati kong ginagawa sa show ko noon? Kaya palagay ko pelikula ang mas uunahin ko at saka na pag-isipan ang TV,” ang natawa na lang na sabi ni Ate Vi.

Showbiz personality, tatalbugan sina BB at mark sa tell-all book

Isang showbiz personality raw ang maglalabas ng isang tell-all book, tungkol sa kanyang gay experiences. Sinasabing sa kanyang mga kuwento ay involved ang male stars na “nakasama” niya through the years. Maaaring hindi raw nabanggit ang pangalan ng iba, pero identifiable naman.

Kung talagang ilalabas nga iyan, mabubulabog ang show business at ang fashion industry.

Matatalbugan niya ang mga ginawang social media expose ni BB Gandanghari. Talbog na rin ang libro ni Mark Bautista, dahil doon iisa lang ang blind item, samantalang ito ay maraming sikat na personalities ang involved. Aywan kung kasali roon ang narinig naming pinagbigyan niya ng pambayad nila sa renta ng apartment, kapalit ng tatlong oras na date.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with