^

PSN Showbiz

Kris pinatawad na si Mel, nag-sorry kay Noynoy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kris pinatawad na si Mel, nag-sorry kay Noynoy
Kris
STAR/ File

Kasabay ng pagsisimula ng kampanya ng national post nung Martes, Feb. 8, ay kaarawan ng dating Pangulo ng bansa, ang namayapang si Pres. Noynoy Aquino. Ito ang first birthday ng dating pangulo na wala na siya.

Kaya muling nagparamdam si Kris Aquino sa social media at may mahaba na naman siyang hanash para sa kanyang Kuya Noy.

Ang huling post ni Kris sa kanyang Instagram account ay nung Jan. 25, kaarawan naman ng kanyang ina ang dating Pangulong Cory Aquino. Medyo okay na ang itsura ni Kris sa huling post niya kasama ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby, pero napakapayat pa rin niya.

May mga kuha siyang may ginagawang blood test ang nurse at napakapayat niya roon.

Sana magkalaman-laman naman siya, para hindi siya mukhang may sakit talaga.

Parang may karugtong pa ang mahabang post ni Kris para sa kanyang Kuya Noy, pero sinabi niyang susundin daw niya ang pangako niya nung nabubuhay pa ang kuya niya na huwag mag-post basta-basta at baka pagsisihan lang niya bandang huli.

Sinusunod naman daw niya, dun lang daw siya sumabit sa isyu nila ni Mel Sarmiento. Ani Kris; “I know you wanted to teach me how to practice humility and not to post anything that later on I may regret…sorry sumablay lang kay Mel, kasi pumatol ako ang nag-comment when I should’ve just shut up. After I post this I’ll message him na all is forgiven and forgotten.”

Ang isa pang bahagi ng post na ‘yun ni Kris ay ang mensahe niya sa kanyang Kuya Noy na alam niyang masaya na ito sa kabilang buhay kasama ang kanilang Daddy at Mommy. Pero isinalarawan din niya kung ano kaya ang mangyayari kung sakaling kung sino sa kanilang magkakapatid ang sumunod.

Bahagi ng post na ‘yun ni Kris; “I’m sure super happy ka because solong solo mo ang mom and dad in heaven. Please habaan nyo pa yung bonding nyo? If Ate goes, you know how tight she and mom were. If it’s Pinky, everyday may ka debate ka na hindi takot awayin ka. Please not Viel, she’s super organized & that’s why all your pamangkins get their birthday & Christmas ‘hulog ng langit’.

“And if it’s me—you know naman…birthday mo so I’ll behave, di ko na sasabihin but I know you know what I mean. (yellow heart emoji)

“WE ALL LOVE YOU and we really miss you---but kuya Josh & Bimb, they still really need me. Ikaw ang bahala, okay.”

Korina, bukas ang pinto sa Villar TV

Masaya si Korina Sanchez sa magandang feedback sa kanyang interview sa limang presidentiables na sina Sen. Ping Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno, dating Sen. Bongbong Marcos at VP Leni Robredo na lumabas sa Rated Korina nung nakaraang Sabado at sa relasyon niya sa Brightlight na producer nito, at pati sa TV5. Pero inaabangan ngayon ang pagsisimula ng Advanced Media Broadcasting Systems ni dating Sen. Manny Villar.

Napapabalita na ang test broadcast daw nito sa Feb. 14, at kinakausap na ni Willie Revillame ang ibang kaibigang celebrities na kagaya nina Aga Muhlach at Ka Tunying Taberna.

Kaya nung nakatsikahan namin si Korina nung nakaraang Martes, natanong siya kung open kaya siyang magprograma sa TV network ni Manny Villar kung sakaling aalukin siya.

“Well, you know, I’m a free agent. All my doors are open,” pakli ng kilalang broadcast journalist.

vuukle comment

NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with