^

PSN Showbiz

Elisse, nabiktima ng cheater

Pilipino Star Ngayon
Elisse, nabiktima ng cheater
Elisse.

Aminado si Elisse Joson na sa sobrang pagka-in love niya noon ay pinatawad niya ang isang nakarelasyon na cheater.

“I think lahat naman tayo may mapagdaraanang ganun at some point. To a certain extent siguro, personally, meron din akong pinag­daanang ganun. Hindi ko na alam kung may confirmation or what,” aniya sa virtual presscon ng The Goodbye Girl last week.

Pero wala siyang binigay na pangalan kung sino ba ‘yun. Ayaw na rin niyang mag-elaborate. “You go out of the fact nung time na bulag talaga sa pag-ibig. Honestly, I went through that. Ayoko na mag-share or magkwento masyado,” dagdag niya na enjoy sa pagiging ina sa daughter nila ni McCoy de Leon na si Felize.

Kaya naman naka-relate siya role niya sa The Goodbye Girl ng iWantTFC.

Susundan nila ang kuwento kung bakit ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin? Bakit hindi tayo sapat para sa kanila?

Bukod kay Elisse, aalamin din ni Angelica Panganiban kung bakit tayo nagiging brokenhearted sa iWantTFC original series na kasama rin sina Loisa Andalio, Barbie Imperial and Maris Racal.

So far sa kanilang lima, si Barbie lang ang ‘goodbye girl’ sa karelasyong si Diego Loyzaga.

Ang The Goodbye Girl ay base sa libro ng best-selling author na si Noreen Capili na tungkol sa iba’t ibang kasentihan ng limang klase ng babae at ang mga aral na matututunan nila mula sa pagmo-move on.

vuukle comment

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with