^

PSN Showbiz

Luis, may payo sa mag-asawang nagsisimula pa lang!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Luis, may payo sa mag-asawang nagsisimula pa lang!
Luis.

February 21, 2021 nang magpakasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Nakatakdang magdiwang ng kanilang unang anibersaryo ang mag-asawa sa susunod na linggo. “We’re planning on doing two celebrations din naman. One, we will still celebrate Valentine’s but at the same time, we’re going to have a separate celebration, ‘yung first wedding anniversary. Valentine’s first. In fact you might see it on social media on the day itself or after a few days,” bungad ni Luis.

Nae-enjoy ngayon ng mag-asawa ang paggawa ng video blogs. Kitang-kita sa sariling YouTube channel kung gaano kasaya sina Jessy at Luis sa lahat ng kanilang ginagawa. “I believe that, ‘yung ‘happy wife, happy life.’ But sometimes kasi, we use it as a joke. We use it as parang kahit anong mangyari, kahit hindi ka happy, basta happy asawa mo, hindi. Pero para sa akin, I make sure she’s happy, at the same time, I make sure that I take care of my own happiness. I’m proud to say, that’s also the same for her, na she acknow­ledges what I do to make her happy and she puts on the effort too to make me happy,” makahulugang pahayag ng aktor.

Mayroong payo si Luis para sa mga mag-asawang nagsisimula pa lamang upang mapanatiling maayos at masaya ang relasyon. “Enjoy the journey. It’s really about the journey. It’s about getting to know that person, it’s about experiencing so many things with that person na you’re young, you have a lot of things to do. You have a lot of things on your plate. So enjoy everything, enjoy everything life has to offer you. Enjoy everything love has to offer you, and just take your time,” pagbabahagi ng TV host.

Ronnie at Loisa, hindi lumalabas ‘pag may tampuhan

Limang taon nang magkasintahan sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Kahit matagal nang magkarelasyon ay nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa paminsan-minsan. “Hindi naman namin masasabi na ‘yung relasyon namin masaya talaga. Siyempre off-cam naman meron talagang nangyayari na hindi nila nakikita at nababalitaan.

“Kami naman ni Loisa, hindi kami lumalabas ng hindi kami okay. Kung magkaaway tayo ngayon, ‘pag-usapan natin para paglabas natin okay tayong dalawa. Hindi pwedeng magkaaway kami kasi hindi lang naman para sa amin ‘yon eh, sa set din maaapektuhan. Ayaw namin na may naaapektuhang iba or nadadamay. So papag-usapan namin,” pagtatapat ni Ronnie.

Kapag mayroong hindi pagkakaunawaan ay agad naman daw nagkakaayos ang magkasintahan. “’Yon din ‘yung maganda sa amin. Walang pride-pride dito. So kung ako ‘yung alam kong may kasalanan, ako ‘yung nagso-sorry mismo kusa sa kanya and siya gano’n din, sorry agad. Same din naman siya sa akin. Kapag alam niya na siya ‘yung may kasalanan, lalapit na ‘yan sa akin sasabihin niya, ‘Sorry na bhe.’

“Kasi kahit maliit na bagay na gano’n, ‘yon din ang nagko-cause ng hiwalayan, ‘di nagkakaintindihan. Kasi once na nag-sorry ka sa isang tao tapos hahawakan mo siya ng ganyan, sobrang nakakalambot ng puso ‘yon eh. So importante talaga ‘yung nagso-sorry at tinatanggap ‘yung pagkakamali mo,” paliwanag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with