^

PSN Showbiz

Christopher, tuhog sa Lolong at Cattleya…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Gulat lahat na merong Lolong si Christopher de Leon at meron pa siyang Cattleya Killer. Usapan kasi na after Lolong ng GMA 7 hihintayin siya ng Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Arjo Atayde na isang international series pala.

Maganda naman ang usapan kaya kahit pa nga mapagod si Christopher, kakayanin niya dahil parehong de kalibre ang project na ito kaya ayaw rin niyang makawala sa kanya.

Magkaiba rin ang role na gagampanan niya sa dalawang malaking proyekto, kaya naman challenge ito para sa kanya bilang actor kahit nga isa na siyang award winning na artista.

Biruan nga na basta mahusay kang artista, hihintayin ka talaga dahil ikaw lang ang puwedeng gumanap sa role na iyon.

Kaya abangan si Boyet sa Lolong and Cattleya Killer. Tiyak na sulit ang pagod dito ni Boyet.

Marian, loyal sa mga kaibigan

Nag-enjoy na naman ako sa human study. Na ‘pag pala gusto mong mag-generic na comment, lahat ng hula gagawin ng bumabasa at bahala sila sa sarili nilang opinyon.

Kaloka na ‘yung IG item ko tungkol sa bobitang actress na naniniwala sa mga bobita rin niyang fans talagang inangkin nila para sa gusto nilang idolo. Nawindang ako nang isipin nila na baka si Marian Rivera ang tinutukoy ko.

Grabe ha. Isa si Marian sa mga artistang mahal at ginagalang ko. Isa siya sa hinahangaan ko pagdating sa loyalty sa kaibigan. Hanga rin ako sa respeto niya sa mga taong mahal niya.

Siguro sa tanda ko, mahaba na ang pasensya ko at hindi na ako basta mapipikon kung sakali mang may magawa ang isang tao sa akin, kaya wala akong maisip na puwedeng magawa ni Marian para mapikon ako. Kaloka talaga.

Basta never akong magagalit o magtatampo kay Marian at wala rin akong maisip na ginawa para magalit o magtampo siya sa akin.

Pareho naming nirerespeto ang isa’t isa. Si Dingdong Dantes at Marian, pareho kong mahal at iginagalang, kaya puwede ba, huwag n’yo nang i-wild guess ang aking blind item, kaloka, basta blind siya forever, ang actress na ganda lang pero walang utak, inggitera at walang contentment, kaya sure ako, ‘pag nawala siya, maloloka siya, dahil akala niya habambuhay siyang sikat, kaya wait tayo sa bagsak niya, hah hah hah, una ulo na walang laman na utak. Kaloka!

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with