^

PSN Showbiz

Dalawang showbiz personalities, tinakasan ng pakiramdam!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Gustong pagbuhulin ng mga netizens ang dalawang personalidad na tinakasan na raw ng pakiramdam. Magkapareho kuno ang babae at ang beki na walang pakialam sa mga nagaganap ngayong pan­demya.

Ang mahalaga lang para sa kanila ay ang maipagbanduhan ang kung anumang meron sila, ang ipamukha sa buong mundo kung gaano sila kayaman, kaya sila binubulabog ngayon.

Kuwento ng aming source, “Kung babalikan kasi ang nakaraang buhay ng babae at ng beki, e, malalaman ng lahat na galing sila sa kahirapan. Lumaki silang kapos.

“Kaya maiintindihan natin na kaya sila ganyan, e, ngayon lang kasi nila natitikman ang kaginhawahan. May salapi na sila, sobra-sobra na ang kadatungan nila, kaya ganyan ang kayabangang nakikita sa kanila ng publiko,” unang sultada ng aming impormante.

Matagal nang hinahambalos ng mga kababa­yan natin ang female personality na sobra-sobrang magpakita ng kalabisan sa social media. Marami nang pumupuna sa kanya lalo na sa mga panahong ito na may hinihinging pabor sa samba­yanan ang kanyang mister pero walang nakikitang pagbabago sa kanya ang mga Pinoy.

Patuloy ng aming source, “Nakakaumay na ang mga bira sa kanya sa social media, pero parang wala naman siyang pakialam! Ganu’n pa rin siya, grabe siyang magpakita ng mga branded stuff niya, hindi man lang niya naiisip na pandemya ngayon na laganap ang kahirapan!

“Hindi magbubunga ‘yun ng maganda sa pangarap ng mister niya, siguradong ikababagsak ‘yun ng mister niya, sa totoo lang!” madiin pang komento ng aming impormante.

Silang dalawa ng isang gay personality ang gustong pagbuhulin ngayon ng mga netizens. Bagay na bagay raw silang magsama dahil hanggang langit ang kayabangan nila.

Sabi uli ng aming source, “Dati nang mayabang ang baklang ‘yun, pero mas tumindi pa nu’ng nagkapangalan na siya! Nu’ng yumaman na siya, e, ‘yun na! Pinakyaw na niya ang kayabangan!

“Lahat ng galaw niya, ipinaaalam niya sa social media. Kung ano ang binibili niya, ipinagbabanduhan niya! Wala siyang pakialam kung kahit maisasaing nga lang, e, wala ang marami dahil sa sobrang hirap ng buhay!

“Walang pakiramdam ang bakla! Basta, kailangang maipaalam niya sa lahat na kering-carry na niyang sundin ang lahat ng kanyang mga luho!

“At naku! Kailangan din niyang ipagbanduhan kung gaano ka-spoiled ang jowa niya! Napakayabang na beki!” rapido pa ng aming source.

Kailangan pa ba naman ng clue tungkol sa babaita at beking ito? May mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Ano sa palagay n’yo, Tita Nene Ulanday, Jon at ­Ching Bautista Silverio at Bradly Guevarra, kitakits tayo mamayang tanghali sa Take It, Per Minute… Me Gano’n!

Ubos!

Willie, bilyon ang inilalabas na pera sa pinagagawang restaurant sa Tagaytay at 7-star hotel sa galera

Tapos na ang mga ipinagagawang villa ni Willie Revillame sa Iruhin, Tagaytay. Bahagi ng nabili niyang ekta-ektaryang lupa dun ang malaking sukat na pababa.

Ang pababang bahaging ‘yun ay papunta na sa Taal Lake, kailangan nang ipapatag, para mas mapakinabangan ni Willie. Sa kanyang mansion ginaganap ngayon ang Wowowin-Tutok-To-Win.

Maganda ang plano ni Willie sa kanyang ari-arian sa Tagaytay, ngayon pa lang ay ginagawa na ang mga karagdagan pang gusali, dahil ‘yun ang magiging restaurant business niya.

Eru ang pangalan ng kanyang bubuksang restaurant, ipinlakado ‘yun sa mga restaurant sa ibang bansa, malawak ‘yun na puwedeng rentahan para sa proposal, kasalan, binyagan at marami pang ibang okasyon.

Sabayang ginagawa ngayon ang pagkumpleto sa Eru at ang pagtatayo sa kanyang 7-star hotel sa Puerto Galera. Bilyunan ang inilalabas ni Willie para sa kanyang mga bagong proyekto.

Nagkuwentuhan kami ng kaibigan na­ming propesor bago namin sinulat ang kolum na ito. Tinutukan namin kung gaano kasuwerte si Willie Revillame.

Sabi ni prop, “Barya-barya lang nu’n ang kinikita niya. Pati pala ang stick niya sa pagda-drums, hinihiram lang niya, dahil wala siyang pambili.

“And now, we’re talking about billion, wala talagang nakakaalam kung ano ang magiging future natin. Bukas na bukas kasi ang palad ni Willie sa pagtulong, kaya ganyan kabuti sa kanya ang kapalaran.

“Di ba, no one has ever become poor by giving. When God blesses you financially, don’t raise your standard of living, raise your standard of giving. And it really works for Willie!” pahayag ni prop.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with