^

PSN Showbiz

Aktres may ugaling bato, galit pa rin sa ex-biyenan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin maayos ang pagtitinginan ng isang female personality at ng kanyang biyenan. Hindi pa rin sila nagtitinginan nang mata-sa-mata.

Pero walang problema sa mga anak ng female personality, hindi nadamay ang mga ito sa hindi nila pagkakasundo, nagkikita-kita ang mga apo at ang kanilang lola.

Kuwento ng aming source, “Matigas talaga ang puso ng female personality. Sa age na age na lang, kahit paano naman sana, e, siya na ang nagpakumbaba, di ba?

“Wala namang kasalanan ang in-law niya sa hiwalayan nilang mag-asawa, desisyon naman nila ‘yun, bakit kailangang madamay ang biyenan niya sa nangyari sa kanila?” unang komento ng aming impormante.

Maraming taon na ang nakalilipas pero nananatili pa rin ang hindi nila pagkakasundo. Ikinasama ng loob ng female personality ang mga naging pahayag nu’n ng kanyang biyenan nang maghiwalay silang mag-asawa.

Patuloy ng aming source, “Alangan namang ilaglag ng biyenan niya ang mister niya? Anak ‘yun, hindi naman kinukunsinti ng biyenan niya, nagkataon lang na nagbigay ng payo ang biyenan niya sa kanilang dalawa!

“Kaso, minasama ‘yun ng female personality, kinakampihan daw ng biyenan niya ang nakahiwalay niyang asawa, kaya mula nu’n, nakipagsagutan na siya!

“Ang in-law niya naman, e, hindi nagsasalita. Kapag tinatanong lang siya ng mga reporters at saka siya sumasagot. Alangan namang isnabin ng biyenan niya ang mga nagtatanong tungkol sa kanila?

“Kahit ano ang sabihin ng biyenan niya, sagot siya nang sagot! Kahit hindi naman siya ang tinutukoy, meron pa rin siyang ikino-comment!

“Nagsalita lang ang biyenan niya tungkol sa mga apo, meron na rin siyang hanash! Wala siyang pinalalampas!” madiing sabi pa ng aming impormante.

Hindi na ‘yun nakapagtataka para sa marami, talagang matigas ang loob ng female personality, dahil kahit ang taong nagbigay ng magandang kinabukasan sa kanya ay binabalewala rin naman niya.

“Naku, huwag na tayong lumayo! Kung saan-saan pa ba tayo pupunta? E, kung ang tao ngang dapat niyang tanawan ng utang na loob, e, tinitikis din niya, di ba naman?

“Matigas talaga ang loob ng babaeng ‘yun, hindi siya marunong magpahalaga sa mga taong may naibigay na tulong sa kanya! Hindi na bago ‘yan!

“Ano ba namang magpakumbaba siya? Ano ba namang siya na ang gumawa ng unang hakbang? Wala, talagang napakataas ng pride niya!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Ilang Pinoy, nabubuhay sa dumpster diving sa abroad

 Nagpahinga muna kami sa Netflix. Kapag Sabado at Linggo ay sa YouTube kami tumututok. Sa pagsubaybay namin sa account ng mga kababayan natin at ng mga banyaga ay napakarami naming natututuhan.

Kahit hindi kami marunong magluto ay nasusundan namin ang iba’t ibang paraan para magawa ang hindi namin nakasana­yan. At palibhasa’y lumaki kami sa bukid ay aliw na aliw kaming panoorin ang mga bagong teknolohiya para pagandahin ang pag-ani ng mga gulay at prutas.

At ang palagi naming pinanonood ngayon, ang mga kababayan natin mula sa Amerika, Spain, Finland na para makatipid sa gastusin ay namumulot ng mga pagkain sa malalaking basurahan na kung tawagin ay dumpster diving.

Tinututukan namin si Inday Roning ng Bukidnon, ang Jezvlog Tandem, ang mag-asawa mula sa Isabela na mga kakalkal natin. Ang Team Blended ng Germany ay umaagaw rin ng aming pansin.

Si Inday Roning ay nasa Amerika, Puti ang kanyang asawa, may isa na silang anak na si Aguy-Aguy kung tawagin nila. Pumapasok talaga sa mga basurahan si Inday, para siyang naggo-grocery kapag umuuwi na, dahil kumpleto ang kanyang napupulot sa basurahan.

Ganu’n din ang Jezvlog, nag-uuwi sila ng mga hotdog, karne, crabs, manok at marami pang pagkain na kung itapon ng mga Espanol ay hindi pa sira.

May dalawang napisa lang na ubas ay itatapon na ang buong supot. May isang sirang kahel lang ay damay na ang buong kahon kung itapon ng mga Puti. Nakapanghihinayang naman talaga.

Sa vlogs ng mga kababayan natin ay nangunguna para sa amin ang Ka-Far­mer ni Engelbert Cerdino ng Arayat, Pampanga. Dating bartender ng Croatian ship si Ka-Farmer, umuwi na siya pagkatapos nang ilang taon at namuhunan ng litsunan dito sa atin, ibang klase ang kanyang litson na dinadayo at walang delivery.

Sa tingin pa lang ay napakasarap na ng malutong na litson, dalawampung litson ang isinasalang nila nang minsanan lang, ganu’n kasikat ang lechon ni Ka-Farmer Engelbert.

Siyempre’y hindi namin makakalimutan ang Azerbaijan, ang “nagbinyag” sa amin sa pagtutok sa YouTube, ang mag-asawang sobrang sipag na hindi man lang nag-uusap sa kabuuan ng kanilang vlog.

Parang bayabas lang ang puno ng mansanas sa kanilang bakuran, ang mabungang persimmon, ang hitik na hitik sa bungang kamatis, repolyo, broccoli, lemon at sangkaterba pang ibang gulay at prutas.

Mayaman sa kaalaman ang YouTube, napakarami nating mapupulot para umunlad ang ating buhay, bukod sa mamumulat tayo sa kultura ng iba-ibang bansa na pinapangarap nating mapuntahan.

Kabsat Lolit, tumutok ka na rin sa YouTube, para hindi ka nabuburyong!

vuukle comment

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with