^

PSN Showbiz

Marian, parang wine!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, parang wine!
Marian
STAR/ File

Ang ganda ng mga bagong pictorial ni Marian Rivera. Talagang para siyang wine, lalo pang tumataas ang premium habang dumaraan ang panahon.

Lahat ng anggulo niya ngayon maganda, master na master na niya ang kamera, lahat ng kuha niya good, walang tapon.

Kaya naman ang dami nang nagsabi na siya ang tipo na aging gracefully, beautifully.

Kasi nga meron siyang inner peace and happiness na nagbibigay ng glow sa kanya. ‘Yung happiness niya overflowing kaya nakakahawa sa lahat, in the case of Ma­rian, happiness overload ang dating.

Hay naku, ganda ka na, happy ka pa, uwian na talaga, sobrang panalo na si Marian Rivera Dantes.

Chinese New Year, dapat laging maraming tikoy

Ang saya kahapon ng lunch namin nina Cris Roque ng Kamiseta, Pat-P Daza, Bernard at later on, join si Ali Sotto na matagal ko na ring hindi nakita.

Ang haba ng kuwentuhan na inabot ng halos tatlong oras dahil kung saan-saan napupunta ang topic. Nag-promise si Cris Roque na sa Chinese New Year siya mag-sponsor uli ng lunch na magiging authentic Chinese dahil mamimigay siya ng ampao o red envelope. Bongga. Eh feeling ko magiging very lucky ako this year dahil sa dami ng tikoy na ipinadala sa akin ni mama Susan Co ng Puregold.

‘Di ba sabi nila ‘pag marami kang tikoy na natanggap magiging suwerte ka, kaya thank you mama Susan Co, talagang appreciate ko po iyon mga tikoy na ipinadala n’yo. At heto nga, meron na agad invitation para sa lunch ng Chinese New Year si Cris Roque ng Kamiseta with matching ampao, bongga.

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with