^

PSN Showbiz

Tom at Carla madalas mag-away, pinagdarasal na magkabalikan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tom at Carla madalas mag-away, pinagdarasal na magkabalikan!
Tom at Carla
STAR/ File

Heto na at may mga nakikisakay na na mga Marites sa isyung diumano’y hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana.

May nagkakalat na kesyo may ibang babaeng involved, may nabuntis daw, pero hanggang usap-usapan lang ‘yun at mas marami ang nagulat at hindi makapaniwala kung totoo nga itong kumakalat na balita.

Kaagad kong tinext ang manager nina Tom at Carla na si Popoy Caritativo, at pati na rin si Carla, pero ‘di sila sumagot.

Lalo pang napagdudahan nang nakitang hindi na sila nagpa-follow sa kani-kanilang Instagram account.

May naiwan pa silang posts na magkasama sila, pero bakit wala na raw ang wedding photos nila?

Ayon naman sa ilang napagtanungan namin, madalas daw na nag-aaway ang mag-asawa na minsan ay umaabot sa hiwalayan, pero naaayos naman daw.

Kaya inaasahan at ipinagdasal ng karamihan na sana maayos din at magkabalikan sila.

Garrett, nganga muna

Unti-unti pa lang ang pagsisimula ng taping ng ilang weekly shows. Kahapon lang bumalik sa taping ang The Boobay and Tekla Show, pero nalulungkot ang mga taga-All-Out Sundays dahil hindi pa rin muna sila nakakabalik ng taping.

Ilang Linggo ring replay episodes ang ipinapalabas, pero nagri-rate naman.

Kaya sisikapin daw nilang mag-live na sa darating na Linggo.

Isa nga sa nalulungkot na nakatengga muna sila ngayon dahil hindi pa bumabalik ng taping ang AOS ay ang magaling na singer na si Garrett Bolden. “Marami kaming artists na talagang we really don’t know how we can cope up with this situation. Pero, sinurround ko lang ang sarili ko ng… kumbaga nagbuo ako ng support system.

“Ginawa ko rin lahat. Nag-live stream ako just to get in touch with the fans, with the supporters, ang mga tao na we still sing in front of them kahit na virtual lang.

“Now nag-release pa rin kami ng single, ng songs para sa mga nagsu-support sa amin,” pahayag ni Garrett sa nakaraang virtual mediacon ng bagong single niyang Puwede Pa Ba.

Kaya nag-focus muna si Garrett sa promo ng bagong release niyang single na Puwede Pa Ba.

Ito ang pangalawang song na sinulat niya. Ang una niyang sinulat ay ang Our Love na ginamit na theme song sa I Left My Heart in Sorsogon.

Natutuwa siya’t nagustuhan naman daw ng mga tao ang naturang kanta, at nakakatuwa raw na naririnig niyang kinakanta ito ng iba.

“Natutuwa ako kasi nagkakaroon ng recall ‘yung kantang sinulat ko. Para sa akin wala lang, pero ‘yun pala it may affect a lot of people. So, ngayong second song na sinulat ko, nagti-take ulit ako ng risk na sana marami ang makaka-relate at magustuhan ang kanta ko,” sabi pa ni Garrett.

vuukle comment

TOM RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with