^

PSN Showbiz

Aktres, sagana ang ani sa mga naipundar na ekta-ektaryang lupa galing sa raket

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bago dumating ang Pasko ay tapos na ang anihan ng palay sa bandang Norte. May mga umani nang maayos, meron din namang hindi, pero ang siguradong panalo ay ang pamilya ng isang kilalang aktres.

Wala silang dating palayan sa kanilang probinsiya, meron mang sinasaka ang kanyang pamilya ay maliliit na lote lang ‘yun, pero biglang nagbago ang takbo ng mundo.

Kuwento ng aming source, “Ekta-ektaryang lupa ang nabili ng family niya, ang female personality ang nagbigay ng pambili sa parents niya.

“Dumami nang dumami ang nabili nila, kaya ngayon, sobrang laki na ng sakahan nila. Galing lahat ‘yun sa female personality.

“Siguradong maraming magtatanong, paano at bakit nagkaroon ng ganu’ng kayamanan ang pamilya ng aktres? E, hindi naman super-laki ang kinikita niya sa pag-aartista, di ba?” unang kuwento ng aming impormante.

‘Yun na nga. Hindi naman madalas magkaroon ng proyekto ang female personality. Magkaroon man siya ng serye ay hindi lang naman siya ang bumibida. Bihira rin siyang gumawa ng pelikula.

Patuloy ng aming source, “Mismo! Bilang na bilang lang naman ang mga ginagawa niyang movies, hindi rin siya masyadong guma­gawa ng mga serye, anyare?

“Naku, maraming milagrong nagaganap sa buhay ng mga artista. Bakit, sa pag-arte lang ba sila puwedeng kumita? Wala ba silang puwedeng gawing extra-curricular activities para sila magkadatung?

“Tahimik lang ang girl na ito, pero meron siyang sideline. Kung hindi man malaki ang talent fee niya sa pag-arte, sa sideline niyang ‘yun, e, hindi na niya kailangan pang magpakahirap sa paggawa ng mga projects!

“Du’n niya nagetlak ang mga pambili ng kanilang malawak na sakahan sa probinsiya nila! Nagkaroon siya ng papa de azucarera na grabe ang laki ng naitulong sa kanya!

“At take note, not just one, dalawa ang na­ging karelasyon niyang punumpuno ang bulsa! Nagtataka pa ba kayo ngayon kung paano niya naipundar ang mala-mansion niyang house at ang sobrang laking farm na sinasaka ngayon ng family niya?

“Grabe ang inani nila nu’ng last time, nagpagawa na sila ng isa pang building para pag-imbakan ng inani nilang palay na kayang pakainin ang maraming barangay sa sobrang dami!

“Kaya hindi siya apektado ng pandemya! Wala siyang pakialam kung wala man siyang work, iirapan lang niya ‘yun dahil saganang-sagana na ang buhay nila ng family niya!

“’Yan, ‘yan ang pinanggalingan ng napakagandang buhay ngayon ng female personality at ng buong angkan niya na dati, e, nakikipagsaka lang!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Makalabas pa kaya para mag-shopping? Mel, wasak sa mga rebelasyon ni Kris

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni G. Mel Sar­miento? Pagkatapos ng mga rebelasyon ni Kris Aquino sa mensaheng ipinadala niya kay Manay Lolit Solis ay makalabas pa kaya ng bahay ang dating sekretaryo ng DILG?

Hinusgahan ni Kris ang dati niyang karelasyon bilang manggagamit. Hindi raw siya minahal ni Mel kundi ginamit lang.

At ang para sa ami’y pinakamatinding rebelasyon ni Kris ay ang sinabi niya na nag-imbento ng mga kuwento ang pulitiko para lang palabasing ganu’n sila ka-close ng pumanaw na dating Pangulong P-Noy.

Napakatindi nu’n! Sobrang kumakagat sa kunsensiya ang ipinahayag ni Kris na pati ang isang taong patay na ay nakaya pang gamitin ni Mel.

Ewan na lang kung hindi ‘yun ikasasakit ng damdamin ng pulitiko na panay-panay pa ang pagsasabi nu’n na hinding-hindi nito pababayaan si Kris at mamahalin nito habambuhay.

Akala pa naman ng mga kababayan natin ay tapos na si Kris sa basta pakikipaghiwalay lang kay Mel. Pero there’s more pa pala!

Sabi ng isang nakakuwentuhan namin, “Hindi ko naman inasahan na basta ganu’n na lang ang hiwalayan nila. Meron pa talagang kasunod ‘yun! Napakasuwerte naman ni Mel kung hindi maglalabas si Kris ng mga kabahuan niya!

“Ano ‘yun, sinusuwerte siya? E, sa history ng pakikipaghiwalay ni Kris, meron bang na-spare? Lahat naman, e, ipinahiya niya sa buong bayan, kaya alam kong may dapat pang abangan tungkol sa hiwalayan nila ni Mel!” matapang na sabi ng aming kausap.

Ang paglabas-labas ng pulitiko ang isa sa mga pinagmulan ng kanilang hiwalayan. Hindi raw ‘yun ang nakasanayan ng pulitiko, nagkakaroon na raw ito ng bubble fatigue, na hindi nagustuhan ni Kris dahil delikado ang panahon ngayong pandemya.

Ngayong inilabas na ni Kris ang paghusga na ginamit lang siya ng pulitiko at hindi naman siya minahal, ngayong buong-ningning nang nagsabi si Kris na pati ang patay niyang kapatid ay ginamit din nang walang kalaban-laban ni Mel, kakayanin pa kaya nitong lumabas para makapag-shopping at magpagupit sa kanyang barbero?

Ewan na lang…

vuukle comment

KRIS

MEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with