^

PSN Showbiz

‘Nag-positive kami sa COVID19’ – Dingdong!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
�Nag-positive kami sa COVID19� � Dingdong!
Dingdong
STAR/ File

Nagpasalamat sa mga natanggap na ayuda...

Nag-positive rin sa COVID-19 ang Dantes squad.

Kahapon ay naglabas ng video si Dingdong na uploaded sa kanyang Facebook page at ikinuwento nga niya ang naging karanasan nila nang mag-positive sila sa bahay.

Last day ng quarantine nila kahapon kaya nakapag-share na siya ang COVID experience nila.

“Napansin namin na maraming hindi maganda sa kapaligiran. Ang mga kapitbahay namin may mga sintomas at may positive.

“Hanggang halos lahat kami dito sa bahay nilagnat na at nagka-symptoms. Naisip namin baka eto na ‘yon nasama na kami sa surge. Nag-test kami at ayun na nga nag-positive kami sa covid.

“Sa totoo lang, hindi namin alam kung saan at paano kami nahawa. Mabuti na lang hanggang mild lang ang naramdaman naming sintomas at nakakuha pa kami ng booster shot bago nahawa.

“Hindi lang ako. Pati mga kasamahan namin sa bahay,” umpisa ng kuwento ng actor kahapon.

“Kaya nang malaman namin, ginawa namin ang mga dapat gawin. Nag-quarantine kaming magkakasama sa bahay, uminom ng gamot, kumain ng mga sapat na pagkain para mapa­natiling malakas ang katawan habang nilalabanan ang virus,” dagdag niyang kuwento.

Pero aminado ang actor na naging mahirap sa kanila ang mobility o paggalaw since lahat nga sila sa bahay ay nagkaroon ng virus.

“Pagbili ng gamot, paghahanda ng pagkain, pagbili ng pagkain, masasabi ko nalampasan namin ito sa tulong ng maraming taong malalapit sa amin katulad ng nanay ko,” pagpapatuloy niya.

Bukod sa naka-survive sila sa mga ayuda na ipinadala ng mga taong nagmamahal sa kanila ay malaking tulong ayon sa mahusay na actor ang COVID care package na natanggap nila mula sa Office of the Vice President Leni Robredo.

“Isa rin sa pinakamahalagang natanggap namin ay ‘yung covid care package from the Office of the Vice President. Napakalaking bagay noon dahil naglalaman ‘yun ng mga mahahalaga bagay na kinakailangan ng isang covid positive patient, hindi na naming kailangang bumili ng gamot,” sabi pa ng actor.

At paalala niya, laging andyan ang panganib kahit anong pag-iingat : “Ganun na po kagrabe talaga ang surge na ito, ganun karami ang nahawa at patuloy na nahahawa ngayon. Pero sana tandaan natin hindi po kasalanan o dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID.

“Kasi siyempre kahit anong pag-iingat ang gawin and’yan at and’yan pa rin ang panganib na makuha.”

Naniniwala rin siyang ang bakuna ang tumulong sa kanila para makaligtas sa malalang sitwasyon. “Kaya dapat sa tingin ko dapat doble kayod tayo na makapagpabakuna. Makapagpa-booster shot. Dahil bukod sa dagdag proteksyon ay malalayo pa tayo sa malalang sitwasyon,” sabi niya na nakapagpa-booster pa bago na-infect.

“We are thankful dahil naka-recover kami mula rito. We hope and pray for everyone’s safety and recovery.

“Sabay-sabay po nating malalagpasan ito. Kapit lang! Patuloy po tayong mag-ingat lahat!!”

vuukle comment

COVID-19

DINGDONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with