^

PSN Showbiz

Lalaking personalidad, kaya nang magpigil ng galit

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Totoo ang kasabihan na kapag nagkakaedad na ang tao ay kumakalma na rin ang kanyang kalooban. Hindi na siya magagalitin, nakokontrol na niya ang kanyang emosyon, tulad ng isang pamosong male personality.

Sobrang bilis magalit-mapikon ng lalaking personalidad nu’ng kanyang kabataan. Hindi lang niya magustuhan ang tabas ng dila ng kanyang katrabaho ay paniguradong trobol na ang kauuwian nu’n.

Kuwento ng aming impormanteng matagal na nakatrabaho ng male personality, “Nakakatakot ang temperamento niya nu’n! Talagang napakabilis niyang magalit! Hindi lang niya magustuhan ang salita ng kausap niya, e, siguradong may mangyayari!

“Kailangan siyang mag-undergo ng anger therapy, kailangang mai-manage ang emotion niya, pero hindi pa naman kasi uso nu’n ang anger management,” sabi ng aming source.

Pagkatapos nang ilang taon ay may mga nakarelasyon nang artista ang male personality. Hanggang sa mag-asawa na siya. Isa lang ang sabi ng mga babaeng naging bahagi ng kanyang buhay.

“Magagalitin talaga siya! Konting kibot lang, umaalsa na agad ang galit niya. Saan pa nga ba mauuwi ang argumento? Natural, sa away na! Kaya siguro hindi nagtatagal ang pakikipag­relasyon niya.

“Meron siyang naging girlfriend na actress, beauty queen, model at marami pang iba. Hindi nagtagal ang relasyon nila dahil sa sobrang init ng ulo niya!” isa pang komento ng aming impormante.

Pero meron siyang nakatapat, isang female personality na matagal na panahong nagpapa­sensiya lang, pero nang mapuno at umaawas na ang sobrang galit ay nakipagkita sa kanya sa korte.

Kuwento uli ng aming source, “Pero napakalaki na pala ng ipinagbago niya ngayon. Totoo nga na kapag nagkakaedad ang tao, e, bumababa rin ang libido ng galit niya. Controlled na ang galit niya ngayon, kaya na niyang hawakan.

“At kuwento ng mga kasamahan niya, e, masasakitin siya ngayon. Marami siyang nararamdaman. Nakaapekto siguro sa health niya ang pagiging masyadong magagalitin niya nu’n!

“At siguro, naapektuhan din sya ng pandemya. Wala siyang trabaho matagal na. Hindi na rin siya napapanood sa TV, kaya matinding problema ‘yun para sa male personality na dati, e, napakaraming pelikula.

“Puwede ring masyado niyang inintindi ang kinauwian ng lovelife niya. May iba nang karelasyon ang babaeng hinding-hindi niya makakalimutan dahil maraming naging bunga ang kanilang pagmamahalan,” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Gretchen, tuloy na uli ang pag-aayuda!

Ngayong papasok na linggo ay magsisimula na uli si Gretchen Barretto sa pamamahagi ng ayuda sa mga kababayan nating sobrang apektado ng pandemya.

Sa pagsargo ng bilang ng mga kinakapitan ng virus ay natural lang na marami na namang ipinagbabawal ang ating pamahalaan. Marami na namang nawalan ng trabaho, maraming pamilyang iniraraos na lang ang kagutuman sa maghapon, sila naman ang babahaginan ng tulong ng mapusong si Gretchen.

“Karate Queen” na rin ang tawag ngayon sa aktres ng marami sa pagiging bukas ng kanyang palad sa pagtulong. Pagkatapos niyang pasayahin ang mundo ng showbiz nu’ng bago mag-Pasko ay ang mga kababayan naman natin ang bibigyan niya ng ayuda.

Napakarami nating kilalang literal din namang nahihiga sa salapi, pero wala sa kanilang bokabularyo ang pagtulong, kaya namumukod-tangi si Gretchen. May mga pulitiko ring kayang-kaya namang tumulong dahil sobra-sobra na ang kanilang yaman, pero deadma lang, wala silang pakialam.

May mga pulitiko ngang nagpayaman habang nakaupo sila, pero nang magdesisyong babaklas na sa mundo ng pulitika ay nagtengang-kawali na lang, kasi nga ay hindi na sila mamamalimos ng boto.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Dahil sa ginagawa na pagtulong ni Gretchen, kapag tinitingnan ko ang mga pictures niya sa social media, I can’t see anything bad in her eyes.

“Nabura na sa isip ko ang pag-aaway nilang magkakapatid na parang magkaibang sinpupunan ang pinanggalingan nila, natakpan na ‘yun ng mabuting puso niya sa pagtulong sa mga kababayan natin.

“Ganu’n naman talaga. Kapag maganda ang puso ng tao, mas gumaganda pa siya sa pani­ngin mo,” mahabang komento ni prop.

Mismo! Parang lalaki raw na hindi naman guwapo, pero kapag nagmamaneho na ng Rolls Royce ay biglang humihingi ng pangalawang tingin, ang layo naman ng pagkukumpara.

Right or left, SOS?

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with