^

PSN Showbiz

Jenine, pinagsisihan ang pagpatol sa trolls!

Ruel Mendoza - Pilipino Star Ngayon
Jenine, pinagsisihan ang pagpatol sa trolls!
Janine at Baby Jude.

MANILA, Philippines — Pinagsisisihan na ngayon ni Jenine Desiderio ang pagpatol niya sa bashers at trolls sa social media noon.

Nakipagsagutan kasi si Jenine sa bashers noong magkaroon sila ng away ng kanyang anak na si Janella Salvador dahil sa pakikipagrelasyon nito noon kay Elmo Magalona. Naulit ang pagpatol niya sa bashers noong makarelasyon naman ni Janelle si Markus Paterson kung kanino meron itong anak.

“Before, I was guilty of making patol. I felt there was a need to explain my side when something wrong is being said about you. But I realized and learned one thing, people will always have their own opinion of the situation, kahit mag-explain ka pa. Kahit na i-explain mo nang 100 times yung situation mo na tama ka, sa isip nila nahusgahan ka na nila at choice nila yun. So, like they said, to those who understand, no explanation is needed. And to those who do not understand, no explanation is enough,” sey ni Jenine na napapanood sa GMA Afternoon Prime teleserye na Little Princess.

Ngayon daw ay natutunan na ni Jenine na dedmahin ang bashers. Ayaw na raw niyang magkalat sa social media.

 “So, having said that, after that, wala na. Ngayon, deadma na lang. Think what you want, see as you want. As long as it doesn’t kill me, it’s your life, it’s my life. Basta yung social media ko, huwag kayong sosobra kasi account ko yun. Gusto n’yo sa account n’yo, dun kayo mag-post. Yun lang ako, yun lang ang take ko sa mga bashing na ‘yan. I ignore them now.”

Kris, inaming pinatanda!

Sadya raw na pinatanda ang hitsura ni Kris Bernal sa upcoming teleserye ng GMA na Artikulo 247.

Marami kasing negative comments ang natanggap ni Kris nang mapanood siya sa teaser nito. Bukod sa comment na mukha siyang matanda, may nag-comment pa na mukhang maraming pinaretoke ang aktres sa mukha nito at parang tuyut na tuyot na raw ang hitsura niya.

Pinaliwanag ni Kris na dahil sa make-up kaya nag-iba ang hitsura niya. Nag-explain din si Kris kung bakit kinakailangan na ganun ang hitsura ng karakter niyang si Klaire.

Inaabot daw ng dalawa hanggang tatlong oras para maayusan siya sa kanyang character.

“To those asking kung bakit ganoon ‘yung itsura ko na parang mukha akong matanda o matapang, sinadya talaga namin ‘yun na ibang-iba ‘yung look ko from my previous shows. It takes me two to three hours to create my character Klaire Almazan for Artikulo 247. My call time is always hours ahead of the rest of the cast. Aside from constantly dressed in a glam dress and high heels, my hair is covered with strong hold spray nets, makeup is dark and thick, and contact lenses are worn all day.”

Ngayon ay balik lock-in taping si Kris ng Artikulo 247 kung saan kasama sina Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves, Carla Martinez at Glydel Mercado.

Britney, binusalan ang kapatid sa bagong libro

Pinadalhan ni Britney Spears ang kanyang kapatid na si Jamie Lynn Spears ng cease and desist letter sa pamamagitan ng kanyang high-powered attorney na si Mathew S. Rosengart.

Ayon sa Page Six, ang laman ng cease and desist letter ay ang hindi magamit si Britney sa book tour ni Jamie Lynn na naglabas ng libro titled Things I Should Have Said. Ang naturang memoir ay naglalaman ng maraming sikreto ng pamilya nila, kasama na roon ang mga naging kaganapan sa buhay ni Britney.

Ang gusto lang ng 40-year old singer na huwag siyang gamitin para bumenta ang libro. Heto ang nilalaman ng naturang letter:

“Dear Ms. Spears: As you know, I represent your sister Britney Spears, and I write at her request concerning the above-referenced matter. We write with some hesitation because the last thing Britney wants is to bring more attention to your ill-timed book and its misleading or outrageous claims about her.”

Nagsimula ang away ng magkapatid dahil sa sinulat na libro ni Jamie Lynn. Inamin ni Jamie Lynn sa media na complicated ang relasyon niya kay Britney. Nakasama pa sa libro ni Jamie Lynn ang breakup ni Britney kay Justin Timberlake noong 2002.

Isa sa ikinagalit daw ni Britney sa libro ay ang ikuwento ang meltdown niya noong 2004 noong ikasal siya kay Jason Alexander sa Las Vegas. Kuwento ni Jamie Lynn sa libro na kinulong daw sila ni Britney sa isang kuwarto at may hawak itong kutsilyo. Pinabulaanan naman ni Britney ang tungkol sa knife incident.

vuukle comment

JENINE DESIDERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with