Elisse, nagpaliwanag sa pagiging rebound ni

McCoy at Elisse
STAR/ File

Masayang inalala ni Elisse Joson kung paano nagsimula ang kanilang relasyon ni McCoy de Leon sa YouTube channel ng aktres.

Matatandaang unang nagkakilala at nagkasama bilang housemates ang dalawa sa Pinoy Big Brother noong 2016. Kahihiwalay pa lamang daw noon ni Elisse sa dating kasintahan bago pumasok ng PBB house. Kaya naitanong ni McCoy sa aktres kung naging ‘rebound’ lamang siya noon. “At that time natural ‘yung nangya­ring flow sa atin. Kung paano tayo nagkakilala sa loob ng bahay, kung paano nag-evolve ‘yung relationship natin bilang acquaintance. Tapos naging confidant, naging more than friends, naging M.U. Hindi ko naramdaman na rebound. Hindi ko masasabing I was still hurting from a person, pero doesn’t mean na hindi pa ako naka-move on pa doon sa person na ‘yon. Para sa akin, hindi ko masasabing rebound kasi ‘yung naging chemistry natin, nag-flow naman naturally,” sagot ni Elisse kay McCoy.

Nagkahiwalay pa muna bago tuluyang nagkabalikan at nagkaroon ng anak ang magkasintahan.

Ngayon ay siyam na buwang gulang na ang kanilang supling na si Felize. Sa ngayon ay hindi pa umano nagmamadali sina Elisse at McCoy na magpakasal. “When the time is right, we’ll feel it. Priorities first, ipon first,” giit ng aktres.

Ngayong naninirahan na sa iisang bubong ay mas nakilala na ni Elisse ang kasintahan. Mayroong mga bagay na natutunan ang aktres mula kay McCoy. “Ang pinakagusto ko na natutunan ko sa ‘yo, kapag nag-aaway tayo, gusto mo ayusin agad. Gusto mo ma-fix kaagad ‘yung pinag-usapan,” pagtatapat ni Elisse kay McCoy.

Joko, nagpaalam sa pamilya bago nagpaka-daring

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng katambal si Joko Diaz na ‘di hamak na mas bata sa kanya sa pelikulang Kinsenas Katapusan.

Katambal ng limampung taong gulang na aktor sa naturang sexy-thriller film si Ayanna Misola. Mapapanood ang bagong proyekto sa pamamagitan ng Vivamax simula sa Feb. 4.

Kinailangan pa umanong magpaalam ni Joko sa kanyang mag-ina bago gawin ang maseselang eksena nila ng sexy actress sa pelikula. “Alam naman ng misis ko na trabaho ito. Bigay ito ni Boss Vic (del Rosario). Kasi pinagtiwalaan niya ako. Malaking pera ang isinusugal ng Viva sa akin. Pero nag-usap muna kami nina Boss Vic. I know it’s a good project but I haven’t done this kind of role before. Kaya ‘pag ginawa ko ‘yung sexy scenes sinasabi ko naman sa pamilya ko na, ‘Trabaho lang ito. Pagkatapos nito uuwi ako sa inyo at maayos ang magi­ging buhay natin,’” pagbabahagi ni Joko.

Nakilala ang aktor noon sa mga pelikulang aksyon ang tema.

Ngayon ay gusto raw ni Joko na maipamalas sa mga manonood na mayroon pa siyang ibang kayang gawin. “Before more on action ako, now ibang atake ito, more on daring. I need to trust the director. Kasi I don’t want rin naman to get stuck sa mga dati kong ginagawa. We have to move on. Wala naman tayong boundaries eh. It’s just that we have to talk about it before we shoot it. I’m also here to help new stars na bagong pasok sa showbiz. I also want to thank our Lord Jesus Christ kasi hindi Niya ako pinababayaan at naging busy ulit ako,” paliwanag niya.   (Reports from JCC)

Show comments