^

PSN Showbiz

‘I am not a commodity’ – Lotlot sa pagiging ampon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
�I am not a commodity� � Lotlot sa pagiging ampon
Lotlot
STAR/ File

Magagandang mensahe ang ipinarating ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa mahabang mensahe ni Lotlot de Leon na ipinost sa kanyang Instagram at Facebook account.

Ipinost niya nung nakaraang Lunes ang quote card tungkol sa adopted persons. Aniya; “Adoptee Rights are Human Rights because… though they may have been bought, sold, given away, taken, stolen, imported, exported, brokered, and treated like commodities…Adoptee persons are Human beings!”

Nasa caption ng post na ‘yun ay nagpahayag si Lotlot ng kanyang saloobin bilang isang adopted person. “Yes I am adopted and yes I am also human! I am not a commodity, I am my own person who have feelings too.”

Marami raw siyang dapat ipagpasalamat sa buhay niya ngayon na sa mga magaganda at ‘di magagandang dumating sa buhay niya, ‘yun daw ang bumuo sa kanyang pagkatao, at kung ano man ang narating niya ngayon. Sabi pa niya; “For those who are like me, never be ashamed of where you came from and your story! Continue to live your life because this is 100 percent yours! Love those who truly love you!”

Pero may pasabi siya sa mga taong nagdi-discriminate ng mga taong ampon. Ani Lotlot; “Oh and please to those who keep on discriminating ADOPTED kids, let go of the bigotry. It’s so unbecoming of a supposed ‘human being’!” May hashtag pa siyang #hindiakorobot.

Nagpadala ng mensahe si Sandy kay Lotlot ng: “Tight hug @ms.lotlotdeleon (smile emoji) You are loved by many especially your dad, me & the de Leon clan (heart emoji)”

Sinagot naman ito ni Lotlot ng “I love you nay”

Si Boyet ay nagparating din ng mensahe: “Daddy is just a phone call away (heart emoji).”

Touching din ang mensaheng ipinarating ni Ian de Leon na obvious na para ito sa mga taong mababa ang tingin sa pagiging ampon.

Sabi ni Ian: “Always remember, what they say or do is a reflection of their own personalities, and that shouldn’t dictate what our state of being should be like.

“Let us not allow external influences take control or change what and who we all are, because no one knows us and our stories but ourselves.”

May isang netizen na nagsabi kay Ian na dapat siya na ang gumawa ng pa­raan na magkaayos na sina Ate Guy (Nora Aunor) at Lotlot, dahil nagkakaedad na ang kanilang ina.

Nilinaw dito ni Ian na maayos naman silang pamilya.

Kagaya raw ng ibang pamilya, dumaraan din sa pagsubok at may challenges din na hinaharap.

May mga ilang nakikialam lang daw at nasisira lang daw sila ng mga tsismis, hindi raw ang samahan ng pamilya. “In God’s perfect time, everything will fall in place. Salamat sa prayers nyo!” sabi pa ni Ian.

Sinubukan din naming hingan ng reaksyon si Ate Guy, pero sabi ng ilang taong malapit sa superstar, pagdating kay Lotlot ay mabuting tahimik na lang daw muna siya.

Direk Gina, inaming maraming pinagdaanan sa taping

Lumakas ang afternoon prime ng GMA 7 dahil sa mga bagong programang nagsimula ngayong taon.

Nung nagsimula ang Little Princess ni Jo Berry, consistent siyang mataas, at lalo pang tumataas.

Ganundin ang Prima Donnas nung Lunes, Jan. 17, mataas na ang rating nito at mukhang inabangan ng mga manonood kahit recap ng book one pa lamang ito sa loob ng isang linggo.

Nung Lunes ay naka-6.8 percent ito, at naka-6.3 percent nung Martes.

Challenging nga raw ito sa kanila dahil dapat ay mas matindi ang kuwento, mas madrama sa kabila ng limitadong lugar na pinag-taping nila dahil sa napakatagal daw nilang naka-lock in taping.

Kaya sabi nga ni direk Gina Alajar; “Ngayon naniniwala ako na walang mahirap sa isang bagay kung lahat nagsasama-sama. Kung lahat nagkakaintindihan, kung lahat ay iisa ‘yung goal na gustong tahakin.

“If you would only know everyting that happened to us in the 82 days locked in, we were the longest na nag-lock in na hindi kami umuwi. Maraming nangyari sa amin. Marami kaming experiences na nangyari sa amin.

“Kung hindi kami kapit-kamay, at kung hindi iisa ‘yung paniniwala namin sa Diyos at isa ang pagdarasal namin at pagtitiwala namin sa Diyos, palagay ko nag-watak watak na kami nun.

“Thank God for His grace and His mercy, kasi we came out na talagang stronger and mas malaking experiences ‘yung dala-dala namin. And you know, baka we can say na uy, we’ve mastered the lock in taping.”

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with